925 total views
Pinaalalahanan ng opisyal ng simbahan ang lahat ng mananampalataya na kaakibat ng binyag ay ang responsibilidad bilang bahagi ng bayan ng Diyos.
Ayon kay Cotabato Archbishop Emeritus Cardinal Orlando Quevedo, sa pagtanggap ng sakramento ng binyag ay ganap na nakibahagi ang tao sa misyon ni Hesus.
“You became disciples of the Lord when you were baptized. But now, you are all missionaries. You are now priests, prophets and kings,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Quevedo.
Ito ang pahayag ng Cardinal kaugnay sa isinagawang adult baptism sa Arkidiyosesis ng Cebu na bahagi ng pagdiriwang sa 500 Years of Christianity. Isinagawa ang pagbibinyag sa Nuestra Señora de Regla National Shrine sa Lapu-Lapu City nitong Abril 13, 2021.
Pagbabahagi pa ni Cardinal Quevedo na ito ang kauna-unahang pagkakataon na masaksihan ang pagtanggap ng tatlong sakramento sa iisang pagkakataon. Bukod sa binyag sa mga may sapat na gulang, isinagawa na rin ang kumpil at pagtanggap sa kauna-unahang pagkakataon ng banal na komunyon.
Ayon sa Archdiocese of Cebu Catechetical Ministry na nangangasiwa sa triduum celebrations na karamihan sa tumanggap ng adult baptism ay mga kasapi ng iba’t ibang denominasyon.
Sa huli paalala ni Cardinal Quevedo sa mga bagong binyagan ang responsibilidad na higit ipalaganap ang krisityanismo komunidad. ” You have a great responsibility and be missionaries,” ani ng Cardinal