Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kumapit sa pananampalataya

SHARE THE TRUTH

 258 total views

Mga Kapanalig, sa survey ng Social Weather Stations (o SWS) na isinagawa noon pang Nobyembre 2020 ngunit ang resulta ay inilabas nitong simula ng Abril 2021, bumaba ang porsyento ng mga nagsabing napakahalaga (o “very important”) para sa kanila ang relihiyon.

Noong Disyembre 2019, ilang buwan bago nagsimula ang pandemyang bumabalot sa buong mundo, nasa 83% ang nagsabing “very important” ang relihiyon. Ngunit makalipas ang halos isang taon, bumaba ito sa 73%. Mas mataas pa rin naman ito kumpara sa 69% na naitala ng SWS noong Hunyo 2019. Sa huling survey, 9% ang nagsabing ang relihiyon ay bahagyang mahalaga (o “somewhat important”), habang 3% ang nagsabing hindi ito gaanong importante (o “not very important”). Ang kapansin-pansin para sa SWS ay ang pagtaas ng porsyento ng mga nagsabing hindi mahalaga (o “not at all important”) para sa kanila ang pananampalataya—15% ito sa survey noong 2020 ngunit 7% lamang ito noong 2019.

Sa mga Katolikong lumahok sa survey, malaki ang pagbaba ng porsyento ng mga nagsabing mahalaga para sa kanila ang kanilang pananampalataya. Mula 84% noon, bumaba ito sa 71% nitong 2020. Nanatili namang mataas ng porsyentong ito sa mga kapatid nating Muslim na 93% ang nagsabing importante sa kanila ang relihiyon, 1% lamang na mas mababa sa naitala noong 2019. Para naman sa mga kababayan nating kasapi ng Iglesia ni Cristo, tumaas ito sa 88% mula sa 69% pagkatapos ng isang taon.

Sa una, maaari nating sabihing nakalulungkot (o kaya naman ay nakababahala) ang sinasalamin ng naturang survey para sa Simbahang Katolika sa Pilipinas lalo pa’t ipinagdiriwang natin ngayong taon ang ika-500 taon ng Ebanghelisasyon sa Pilipinas. Nagiging malamlam na nga ba ang ating pananampalataya? Nawawalan na ba ng kahulugan para sa mga mananampalatayang Katoliko ang mga turo ng Simbahan at ang Salita ng Diyos? Sa gitna ng krisis na ating kinakaharap ngayon, hindi ba talaga nakikita ng mga Katoliko ang kanilang pananampalataya bilang isang bagay na mapagkukunan nila ng pag-asa at mapaghuhugutan, ‘ika nga, ng motibasyon upang magpatuloy sa buhay gaano man ito kahirap sa mga panahong ito?

Sa halip na itanggi ang naging resulta ng survey na ito ng SWS tungkol sa relihiyon—gaya ng maaaring gawin ng ilang Katoliko—gawin natin itong batayan ng ating pagninilay tungkol sa ating pananampalataya. Minsang sinabi ni Pope Francis na ang pananampalataya (o faith) ay hindi lamang tungkol sa kung gaano natin kaalam ang mga turo at doktrina. Ito ay isang paglalakbay patungo sa Diyos, hindi patungo sa ating sarili. Hindi ito madali lalo na para sa mga ordinaryong mananampalatayang madalas naghahanap ng katanungan sa napakarami nilang sagot lalo na ngayong tila ba walang katiyakan. Ang ating pananampalataya, paliwanag ng ating Santo Papa, ay nakatuon sa kapangyarihan ng Diyos na matutunghayan natin sa pamamagitan ng paglilingkod sa ating kapwa, hindi sa pagkakaroon ng kapangyarihang ibinibigay ng mundo, na ang tuon lamang ay ang ating mga sarili. Ibig sabihin, ang pananampalatayang Katoliko ay tungkol ang pagsasama ng ating pagsamba sa Diyos at pakikipag-ugnayan sa ating kapwa (at maging sa kalikasan), dahil sa pamamagitan ng ugnayang ito, nakikilala natin ang ating Panginoon, nararanasan natin ang kanyang kapangyarihan, natatanggap natin ang kanyang awa at habag.

Mga Kapanalig, sabi nga sa Santiago 1:27, “Ang relihiyon na dalisay at walang dungis sa harap ng ating Diyos at Ama ay ito: pagtulong sa mga ulila at sa mga biyuda sa kanilang kahirapan, at pag-iingat sa sarili upang huwag mahawa sa kasamaan ng mundong ito.” Kung makikita natin ang paglilingkod sa Diyos at sa kapwa bilang liwanag sa isang madilim na mundo, makikita natin ang tunay na halaga ng pagkapit sa ating pananampalataya.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 10,081 total views

 10,081 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 24,737 total views

 24,737 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 34,852 total views

 34,852 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 44,429 total views

 44,429 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 64,418 total views

 64,418 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 10,082 total views

 10,082 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 1,579 total views

 1,579 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 24,738 total views

 24,738 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 34,853 total views

 34,853 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 44,430 total views

 44,430 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 64,419 total views

 64,419 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 46,833 total views

 46,833 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 41,858 total views

 41,858 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 45,427 total views

 45,427 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 57,882 total views

 57,882 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 68,949 total views

 68,949 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 75,268 total views

 75,268 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 79,880 total views

 79,880 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 81,440 total views

 81,440 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 47,001 total views

 47,001 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top