Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Palakasin ang frontliners sa mga komunidad

SHARE THE TRUTH

 189 total views

Mga Kapanalig, sa matagal na panahong napaloob tayo sa pandemyang kinakaharap hanggang ngayon, mayroong mga frontline health workers na hindi gaanong nabibigyang-pansin. Ngayong napupuno ang mga ospital sa Kamaynilaan at humihingi ng saklolo ang mga health workers dito, ang tugon ng gobyerno ay ang magpadala ng mga health workers mula sa ibang mga rehiyon upang tumulong sa mga ospital sa Metro Manila.

Ngunit lingid sa marami, mayroon tayong mga health workers na naroon mismo sa mga komunidad, sa mga barangay health units, na maaaring makapagbigay ng agarang atensyong medikal at payo bago pa lumala ang mga sintomas ng mga maysakit. Doon din dapat sana nakatuon ang suporta ng pamahalaan upang mas mabisa silang makatugon sa mga nangangailangan ng atensyong medikal bago pa lumala ang kanilang mga sakit at mangailangang dalhin sa ospital.

Sila ang totoong mga frontliners. Sa public health system natin, ang mga ospital ay nasa dulo o panghuling tagapagbigay-lunas sa mga maysakit, kaya nga ang tawag sa kanila ay “tertiaryhealth facilities.  Ang “primary” o pangunahing tagapagbigay-lunas ay ang mga health care facilities sa ating mga barangay na mas malapit at madaling puntahan ng mga tao. Kung ayaw nating dagsain ang mga ospital ng mga maysakit, Covid-19 man ito o iba pang mga sakit, mas mainam kung sa barangay health unit pa lamang ay nalalapatan na sila ng gamot o nabibigyan ng payo kung ano ang dapat gawin upang hindi lumala ang kanilang sakit.

Isang bansang nagawa ito nang napakahusay ay ang Thailand. Ang apat na dekada ng pagpupundar sa primary health care infrastructure at pagtamo ng universal health coverage ay napakinabangan nang husto sa mabilis na pagpuksa ng pagkalat ng Covid-19 sa nasabing bansa.

Sa pagtugon sa isang krisis, napakahalagang ang mga taong pinakamalapit sa mismong nakararanas ng problema ay nagiging bahagi ng solusyon. Maging ang ating Panginoon ay ganito ang naging paraan sa pagbibigay niya ng solusyon sa pagkagutom ng libu-libong mga taong nakikinig sa kanyang pangangaral nang walang mapakain sa kanila ang Kanyang mga disipulo. Matutunghayan natin ito sa Mateo 14:15-18. Iminungkahi ng mga disipulo kay Hesus na pauwiin na lamang sila upang kanya-kanya silang humanap ng makakainan. Subalit ano ang ginawa ni Hesus? Kinuha Niya ang limang pirasong tinapay at dalawang isda mula sa isang batang lalaki, at matapos Siyang makapagpasalamat ay napakain Niya hanggang mabusog ang higit limanlibong tao. Isinasama ng ating Panginoon ang mga nakararanas ng suliranin at ginagamit ang anumang munting kakayahang mayroon sila upang masolusyonan ito nang sama-sama at hindi sa nagkakanya-kanya.

Sa ating pagtugon sa kasalukuyang krisis na dulot ng pandemya, alalahanin nating ang mga taong nagtutulungan ay may magagawa tungkol sa kanilang kalagayan. Kung may sapat na mga health workers sa mga barangay health centers, sapat na mga kagamitan, gamot, at mga materyales na maipamamahagi sa mga tao upang turuan sila kung paano bigyang-lunas ang unang mga sintomas ng Covid-19 at iba pang mga sakit, bago pa lumala ang mga ito, hindi dadagsain ng mga maysakit ang mga ospital. Kailangang bigyan ang mga barangay health centers ng sapat na mga gamit at gamot na maaaring ipamahagi sa mga tao upang sila mismo ay maging kaagapay at katuwang sa kanilang pagpapagaling.

Mga Kapanalig, binibigyang-diin sa mga panlipunang turo ng ating Simbahan ang prinsipyo ng subsidiarity na nagsasaad na ang anumang kayang gampanan ng isang indibidwal o ng mas mababang antas ng isang organisasyon tulad ng pamahalaan, ay hindi dapat ipagkait sa kanila o agawin ng mga nakatataas.[2]  Lalo pang dapat silang tulungang pagyamanin ang kaya nilang gawin. Ang ganitong pagbibigay-halaga sa kakayanan ng mga tao ay nagpapatunay rin sa angking dignidad ng bawat isa.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 38,499 total views

 38,499 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 49,574 total views

 49,574 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 55,907 total views

 55,907 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 60,521 total views

 60,521 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 62,082 total views

 62,082 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 38,500 total views

 38,500 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 49,575 total views

 49,575 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 55,908 total views

 55,908 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 60,522 total views

 60,522 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 62,083 total views

 62,083 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 43,505 total views

 43,505 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 66,167 total views

 66,167 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 71,743 total views

 71,743 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 77,224 total views

 77,224 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 88,337 total views

 88,337 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 84,336 total views

 84,336 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 72,038 total views

 72,038 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 80,520 total views

 80,520 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 73,579 total views

 73,579 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 80,503 total views

 80,503 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top