Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Awit para sa Paminggalang Pampamayanan (Community Pantry) | Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II

SHARE THE TRUTH

 208 total views

ila magpapasko, presko at mahangin ang panahon noong Lunes ng umaga dito sa Pambansang Dambana ng Birhen ng Fatima sa Valenzuela.

Natutuwa ako noon sa napakabuting balita ng paglaganap nitong tinaguriang mga “community pantry” na nagsimula sa kalye Maginhawa sa Quezon City noong a-kinse lang ng Abril. Wala pang isang linggo ay kumalat na sa buong kapuluan ang kilusan na kung isasalin sa ating sariling wika ay “paminggalang pampamayanan”.

Sa mga kagaya ko na inabot ang singko sentimos na de bote ng Cosmos, bago dumating ang pridyider ay paminggalan ang puntahan ng lahat lalo na sa bahay na matanda kung saan nakatira ang mga impo at lola.

At ang turo sa aming mga bata noon, maaring kumuha ng pagkain sa paminggalan pero huwag uubusan ang ibang kasama sa tahanan.

Higit sa lahat, magsabi lagi upang mapalitan o mapunan sakaling mauubusan lalo na ng kape at asukal.

Kaya naman napakagandang makitang muli itong mga paminggalan hindi na sa tahanan kungdi sa lansangan na tila baga bawat pamayanan naging isang malaking pamilya pinamamayanihan ng pagkakapatiran.

Iyon ang pinaka-buod at kahulugan nitong mga paminggalang pampamayanan na siya rin namang ipinahayag ni Bb. Ana Patricia Non: hindi aniya ito pagkakawanggawa o “charity” kungdi pakikipagkapwa-tao o mutual aid upang matulungan ang bawat isang nangangailangan.

Sa Banal na Kasulatan ay ating natunghayan kamakailan paglalarawan ng pamumuhay ng mga unang Kristiyano:

At nagsasama-sama ang lahat ng sumasampalataya at para sa lahat ang kanilang ari-arian. Ipinagbibili nila ito at ang pinagbilhan ay ipinamamahagi sa lahat ayon sa pangangailangan ng bawat isa.

Mga Gawa ng Apostol 2:44-45

Larawan mula sa inquirer.net.

Isinaysay sa atin ni San Lucas ang naturang bahagi sa buhay ng mga unang Kristiyano upang muling mahimok sa atin ang pagkakapatiran, ang magising ating mga kaisipan at kamulatan na sa buhay hindi pinag-uusapan at batayan ang ano mang kakayahang gawin kungdi ang pagkakakilala sa bawat isa bilang ka-patid, ka-dugtong, at ka-putol. Alisin mo ang unlaping “ka”, ika’y patid at putol. Hiwalay at nag-iisa, walang karugtong.

Kapatiran, samahan ng magkakapatid, hindi ng mga gawain.

Kung babalikan natin yung tagpo matapos mag-ayuno at manalangin ang Panginoong Hesus sa ilang, ang unang panunukso sa kanya ng demonyo ay gawin niyang tinapay ang mga bato.

Ganyang-ganyan pa rin ginagawa ng diyablo at kanyang kampon sa ating panahon na ang palaging tanong ay “ano ba ang nagawa mo?” o “mayroon ka bang naambag?”: para sa kanila, pinakamahalaga yung nagagawa kesa makipag-kapwa.

Hindi nila batid na ang sino mang tunay sa pakikipag-kapwa, laging kasabay ang gumawa ng mabuti.

Kaya hindi rin kataka-taka sa kanila na ang mga addict at kriminal ay patayin dahil para sa kanila walang nagagawang mabuti mga ito sa lipunan.


Isang magandang pagkakataon itong pag-usbong 
ng maraming paminggalang pampamayanan 
na muli nating mapagtanto dangal ng bawat tao 
na dapat mahalin at igalang bilang larawan 
at wangis ng Diyos na lumikha sa tanan.

Larawan mula sa Dr. Yanga’s Colleges Inc. sa kanilang “community pantry” sa Bocaue, Bulacan, 20 Abril 2021.

Isang magandang pagkakataon itong pag-usbong ng maraming paminggalang pampamayanan na muli nating mapagtanto dangal ng bawat tao na dapat mahalin at igalang bilang larawan at wangis ng Diyos na lumikha sa tanan.

Inyong pagmasdan, madalas mga taong mapagbilang at mapaghanap ng mga nagawa ay siya ring mga mapanaghili, binibilang mga gawain na tila lahat dapat tumbasan o mayroong kapalit.

At ang pinaka-masaklap, sila din yaong mga wala ring ginagawa, puro salita kaya sila’y katawa-tawa parang sirang plaka katulad ng kanilang pamumula at “red tagging” sa mga nasa likod ng paminggalang pampamayanan o community pantry.

Ayaw nila sa paminggalang pampamayanan dahil doon ang batayan ay pagtuturingan bilang magkakapatid; walang ganid at sakim, nasa isip palagi ang kapwa na maaring mas kawawa kaysa sarili.

Kaya heto ang aking awit na handog sa mga nagpasimuno at nagpapalaganap nitong community pantry.

Kasama na rin ang mga hindi naniniwala, namumula.

At, sumasalaula.

Humuhuni ang ibon
Nagsasayaw sa hangin
At laging masaya
Bakit kaya ang tao may isip at talino
Nalulungkot pa siya

Matutuhan lang ng bawat nilikha
Ang umibig sa tao't daigdig
Lungkot nila'y mapapawi ligaya'y ngingiti

Pagibig at pag-asa
Ang damdaming gigising sa taong mahimbing
Ang tunay na ligaya sa ating puso
Muling magniningning

Ikaw at ako
Hindi man magkalahi
Ay dapat matutong magmahal
Ituring mong tayong lahat ay magkakapatid
(New Minstrels, 1980)


ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 30,685 total views

 30,685 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 41,760 total views

 41,760 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 48,093 total views

 48,093 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 52,707 total views

 52,707 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 54,268 total views

 54,268 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

From fear of the Lord to love of God and neighbors

 3,575 total views

 3,575 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Thirty-first Sunday in Ordinary Time, Cycle B, 03 November 2024 Deuteronomy 6:2-6 ><}}}}*> Hebrews 7:23-28 ><}}}}*> Mark 12:28-34 Photo by author, river at the back of Nagsasa Cove, San Antonio, Zambales, 19 October 2024. Jesus finally entered

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Mga pamahiin at kaalaman turo sa atin ng paglalamay sa patay

 3,577 total views

 3,577 total views Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-01 ng Nobyembre 2024 Larawan kuha ng may-akda, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, QC, 20 Marso 2024. Salamuch sa mainit na pagtanggap sa ating nakaraang lathalaing nagpapaliwanag sa ilang mga pamahiin sa paglalamay sa patay. Sa ating pagsisikap na tuntunin pinagmulan ng mga pamahiin sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Sa buhay at kamatayan, bulaklak nagpapahayag ng buhay

 3,577 total views

 3,577 total views Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-31 ng Oktubre 2024 Larawan kuha ni G. Jim Marpa, 2018. “Say it with flowers” ang marahil isa na sa mga pinakamabisa at totoong pagpapahayag ng saloobin sa lahat ng pagkakataon. Wala ka na talagang sasabihin pa kapag ikaw ay nagbigay ng bulaklak kanino

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Lihim ng mga pamahiin sa lamayan

 3,577 total views

 3,577 total views Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-30 ng Oktubre 2024 Larawan kuha ng may-akda, St. Scholastica Retreat House, Tagaytay City, Agosto 2024. Heto na naman ang panahon ng maraming pagtatanong at pagpapaliwanag sa ating mga pamahiin ukol sa paglalamay sa mga patay. Matagal ko nang binalak isulat mga ito nang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Friday I’m in love, Part 3

 3,578 total views

 3,578 total views Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 29 October 2024 Photo by author, entering the Nagsasa Cove in San Antonio, Zambales, 19 October 2024. Ihave always imagined God must be like Jewish director Steven Spielberg. According to an article I have read long ago, Spielberg would always hide sets of important scenes

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Seeing Jesus

 5,682 total views

 5,682 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Thirtieth Sunday in Ordinary Time, Cycle B, 27 October 2024 Jeremiah 31:7-9 ><}}}}*> Hebrews 5:1-6 ><}}}}*> Mark 10:46-52 Photo by author, Nagsasa Cove, San Antonio, Zambales, 19 October 2024. “Seeing” is a word with so many meanings

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

The teacher is the lesson

 6,336 total views

 6,336 total views Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 24 October 2024 Photo by Maria Tan, ABS-CBN News, 27 July 2024. Classes are still suspended due to severe tropical storm Kristine. While scrolling through Facebook, I chanced upon a funny post supposed to be the cry of many employees. And teachers as well: “We are

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Is this meant for us or for everyone?

 6,336 total views

 6,336 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Wednesday, Memorial of St. John of Capistrano, Priest, 23 October 2024 Ephesians 3:2-12 <*((((>< + ><))))*> Luke 12:39-48 Photo by author, Pampanga, September 2024. Lord Jesus, many times I find myself like Peter asking You so often

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Unity in Christ

 6,334 total views

 6,334 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Tuesday, Memorial of St. John Paul II, Pope, 22 October 2024 Ephesians 2:1-10 <*[[[[>< + ><]]]]*> Luke 12:35-38 Photo by author, mountain range off the coast of Nagsasa Cove, San Antonio, Zambales, 19 October 2024. Glory to

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

We are God’s handiwork

 6,334 total views

 6,334 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Monday in the Twenty-ninth Week of Ordinary Time, Year II, 21 October 2024 Ephesians 2:1-10 <*((((>< + ><))))*> Luke 12:13-21 Photo by author, the pristine Nagsasa Cove in San Antonio, Zambales, 19 October 2024. Your words today,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

When we do not know what “we want”

 6,334 total views

 6,334 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Twenty-ninth Sunday in Ordinary Time, Cycle B, 20 October 2024 Isaiah 53:10-11 ><}}}}*> Hebrews 4:14-16 ><}}}}*> Mark 10:35-45 The Jewish Cemetery of Mount of Olives facing the Eastern Gate of Jerusalem where the Messiah is believed would

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Only One

 6,334 total views

 6,334 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Friday, Feast of St. Luke, Evangelist, 18 October 2024 2 Timothy 4:10-17 <*((((>< + ><))))*> Luke 10:1-9 Photo by Dra. Mylene A. Santos, MD, an orange-bellied flowerpecker (Dicaeum trigonostigma), December 2023. Beloved: Demas, enamored of the present

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Led by the Holy Spirit

 6,334 total views

 6,334 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Wednesday in the Twenty-eighth Week of Ordinary Time Year II, 16 October 2024 Galatians 5:18-25 ><))))*> + ><))))*> + ><))))*> Luke 11:42-46 Photo by author, Fatima Ave., Valenzuela City, 25 July 2024. Lead and guide us, O

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Faith working through love

 6,334 total views

 6,334 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Tuesday, Memorial of St. Teresa of Avila, Virgin & Doctor of the Church, 15 October 2024 Galatians 5:1-6 ><]]]]’> + ><]]]]’> + ><]]]]’> Luke 11:37-41 Photo by author, somewhere in Pampanga, August 2024. What a wonderful Saint

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Evil generation

 9,898 total views

 9,898 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Monday in the Twenty-eighth Week of Ordinary Time, Year II, 14 October 2024 Galatians 4:22-24, 26-27, 31-5:1 <*((((>< + ><))))*> Luke 11:29-32 Photo by Ms. April Oliveros at Mt. Pulag, March 2023. While still more people gathered

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top