Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagiging makasarili ng mga pulitiko, pinuna ni Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

 479 total views

Si Hesus ang natatangging huwaran ng pagiging isang mabuting lider hindi lamang ng Simbahan kundi maging ng pamahalaan.

Ito ang pagninilay ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo kaugnay sa paggunita ng Good Shepherd Sunday.

Ayon sa Obispo, ang pagiging isang mabuting lider ay tulad ng isang mabuting pastol na buong puso at lakas na pinangungunahan, pinangangalagaan at pinoprotektahan ang kanyang kawan mula sa anumang kapahamakan o kasamaan.

“As a shepherd leads, provides, defends and cares for his flock, so should the leaders do to the people. Maliwanag sa ating ebanghelyo ngayon na inilalarawan ni Jesus na siya ay pastol, at hindi lang pastol, siya ay mabuting pastol. As believers, let us take Jesus as a model of what a leader should be, whether our religious leaders or our government leaders.” ang bahagi ng pagninilay ni Bishop Broderick Pabillo.

Paliwanag ng Obispo, tulad ni Hesus ang mabuting lider ng Simbahan, pamahalaan o anumang uri ng samahan ay dapat na mayroong malasakit sa kanyang pinamumunuan at handang itaya ang kanyang sarili.

Ibinahagi ni Bishop Pabillo na ang mga katangiang ito ang dapat na bantayan at maging batayan ng bawat mamamayan partikular na sa pagpili ng mga karapat-dapat na lider ng bansa sa papalapit na halalan sa susunod na taon.

PSD Toktok

Iginiit ng Obispo na dapat na suriing mabuti ng bawat isa ang tunay na intensyon ng bawat politiko na nagnanais na maluklok sa katungkulan.

“Si Jesus ang modelo ng leadership. Ganito ba ang ating mga leaders – sa simbahan man, sa gobyerno, sa business o sa ating mga organisasyon? Ang leader ba natin ay may malasakit sa pinamumunuan niya at tinataya ang kanyang sarili para sa nasasakupan?” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Partikular namang pinuna ni Bishop Pabillo ang kasalukuyang kalagayan ng pulitika sa bansa kung saan sa halip na ang paglilingkod bilang mabuting lider ang tinututukan ng mga politiko ay ang posisyon at kapangyarihan na kaakibat nito ang pinanghahawakan at pinag-aagawan.

Ayon sa Obispo, kapansin-pansin ito lalo na sa talamak ang political dynasty at mahigpit na pagkapit sa posisyon ng mga pamilyang politiko hindi upang patuloy na makapagsibli sa mamamayan kundi upang hindi maalis ang kapangyarihan at mapagtakpan ang kanilang mga maling nagawa.

“Pero iba yata ang nangyayari. Pinag-aawayan ang posisyon kasi mas malaki ang makukuha nila dito. Kaya nga ayaw bitawan ang pork barrel. Ngayong malapit na ang election usisain natin ang mga namumuno sa atin. Nakinabang ba sila sa kanilang posisyon? Mas yumaman ba sila sa kanilang tungkulin? Kaya nga ayaw nila magbitiw sa kanilang posisyon at kapit tuko sila dito na pati ang kanilang pamilya ay pinapaluklok nila. Hindi naman dahil sa gusto nilang maglingkod, kundi ayaw mawala ang kanilang benepisyo at ayaw masilip ang kanilang ginawa – kaya isinusulong nila ang political dynasty.” Ayon kay Bishop Pabillo.

Hindi naman ikinaila ng Obispo na maging sa Simbahan ay mayroon din mga lider na hindi ganap na ginagampanan ang kanilang tungkulin na pamunuan at pangalagaan ang kanilang kawan

Hinikayat naman ni Bishop Pabillo ang bawat isa na ipagdasal ang mga lider ng bansa upang magbago at magkaroon ng mas maayos na pamumuno lalo na sa gitna ng patuloy na malawakang epekto ng COVID-19 pandemic.

Hinimok rin ng Obispo ang lahat na ngayon pa lamang ay ipagdasal na ang pagtakbo at pagkakaluklok sa nakatakdang halalan ng mga mabubuting lider na tunay na magsisilbing pastol at magdadala ng kasaganahan sa mamamayan.

“Ang bawat isa naman sa atin ay maaaring magdasal para mga leaders natin ngayon na magbago naman sila, na ayusin naman nila ang kanilang pamumuno kasi gutom na ang mga tao, tumataas ang bilang ng mga may sakit, at marami na ang namamatay, at ngayon palang magdasal na tayo ng mabubuting leaders na tumakbo at mahalal sa election next year. It is never too early to start praying now for good leaders for next year’s elections.” Apela ni Bishop Pabillo

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 22,214 total views

 22,214 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 36,870 total views

 36,870 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 46,985 total views

 46,985 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 56,562 total views

 56,562 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 76,551 total views

 76,551 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

Archdiocese of Caceres, dumanas ng pinakamalubhang pagbaha sa kasaysayan

 13,348 total views

 13,348 total views Umapela ng tulong ang Arkidiyosesis ng Caceres para sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Ayon kay Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon, maituturing na pinakamalubhang pagbaha ang idinulot ng Bagyong Kristine sa lalawigan lalo na sa mabababang lugar sa Naga. Pagbabahagi ng Arsobispo, marami pa ring mga pamilya ang hindi makabalik

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

Donation drive, inilunsad ng Bicol university

 13,420 total views

 13,420 total views Naglunsad ng donation drive ang official student publication ng Bicol University upang manawagan ng donasyon para sa mamamayang naapektuhan ng malawakang pagbaha na dulot ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Ayon sa The Bicol Universitarian, layunin ng kanilang inilunsad na donation drive na makapangalap ng sapat na pondo upang makatulong hindi

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

ANDUYOG, inilunsad ng Redemptorist Mission Community

 13,911 total views

 13,911 total views Naglunsad ang Redemptorist Legazpi Mission Community ng ‘ANDUYOG: Redemptorist Legazpi Typhoon Kristine Response’ upang manawagan ng donasyon para sa mamamayang apektado ng malawakang pagbaha na dulot ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Ayon sa kongregasyon, higit na kinakailangan ng mga apektadong mamamayan ang pagkain, bigas, malinis na inuming tubig, at hygiene

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

Establisyemento, paaralan at simbahan sa Albay, binuksan para sa typhoon Kristine evacuees

 13,769 total views

 13,769 total views Nagbukas ang mga establisyemento, paaralan, unibersidad at Simbahan sa Diyosesis ng Legazpi sa Albay upang magsilbing pansamantalang matutuluyan ng mga nagsilikas na pamilya na apektado ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa inisyal na tala ng The Bicol Universitarian na official student publication ng Bicol University ay aabot sa mahigit 20 mga establisyemento, paaralan,

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pag-uwi ng labi ni Bishop Bastes sa Sorsogon, ipinagpaliban

 17,297 total views

 17,297 total views Pansamantalang ipinagpaliban ang pagdating sa Diyosesis ng Sorsogon ng mga labi ni Sorsogon Bishop-Emeritus Arturo Bastes dahil sa pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Una ng inihayag ng diyosesis ang nakatakdang pagdating ng mga labi ng dating punong pastol ngayong ika-23 o ika-24 ng Oktubre, 2024 bago pa ang pananalasa ng bagyo

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Maglingkod para sa kabutihan ng kapwa, paalala ni Bishop Dael sa 2025 midterm election candidates

 20,950 total views

 20,950 total views Binigyang diin ni Tandag Bishop Raul Dael na anumang pangarap sa buhay ay hindi lamang sumentro sa pansariling kapakanan sa halip ay sa paglilingkod sa kapwa lalo’t higit sa mga nangangailangan. Ito ang paalala ng Obispo sa paggunita ng World Mission Sunday noong ika-20 ng Oktrubre, 2024. Ayon kay Bishop Dael, ang bawat

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

5-political dynasties, pinapadiskwulipika ng ANIM sa COMELEC

 17,333 total views

 17,333 total views Naninindigan ang dalawang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na napapanahon ng wakasan ang patuloy na pag-iral ng political dynasty sa bansa. Bilang kapwa convenors ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) ay pinangunahan nina Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, pangulo ng Caritas Philippines at Vice President San Carlos Bishop Gerardo

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mamayang Pilipino, hinamong maghain ng disqualification case laban sa mga magkakamag-anak na kandidato

 17,589 total views

 17,589 total views Nanawagan ang Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) sa publiko na maghain ng Disqualification Case laban sa mga kaanak ng incumbent Congressmen, Governor o Mayor na kakandidato sa nakatakdang 2025 Midterm Elections upang palitan sa puesto ang mga kaanak na magtatapos na ang termino sa pwesto. Ayon kay ANIM Lead Lawyer for Anti-Dynasty Campaign

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bishop Bastes, sumakabilang buhay sa edad na 80-anyos

 18,595 total views

 18,595 total views Pumanaw na sa edad na 80-taong gulang ang dating Obispo ng Diyosesis ng Sorsogon na si Bishop Emeritus Arturo Bastes ganap na alas-sais y medya ngayong umaga, ika-20 ng Oktubre, 2024. Ipinanganak noong April 1, 1944 sa Loboc, Bohol si Bishop Bastes ay naordinahang pari noong November 28, 1970 sa Society of the

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Si Hesus ang pundasyon ng PPCRV

 18,182 total views

 18,182 total views Inihayag ni Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) founding chairperson at former Ambassador Henrietta de Villa na si Hesus ang tunay na pundasyon at kampeon ng organisasyon. Ito ang pahayag ni De Villa sa paggunita ng PPCRV sa ika-33 anibersaryo ng pagkakatatag ng organisasyon bilang pangunahing tagapagbantay ng Simbahang Katolika sa pagkakaroon

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

QuadComm hearing sa EJK’s, binabantayan ng CHR

 18,786 total views

 18,786 total views Inihayag ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagsubaybay sa isinasagawang pagdinig ng House of Representatives’ Quad Committee (QuadComm) sa mga kaso ng extrajudicial killing (EJKs) sa kampanya laban sa ilegal na droga ng nakalipas na administrasyong Duterte. Kabilabg sa sinusubaybayan ng komisyon ang mga testimonya at ebidensya na inilalabas sa pagdinig na

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Diocese of Gumaca, makikibahagi sa one million children praying the rosary

 19,946 total views

 19,946 total views Inihayag ng Diyosesis ng Gumaca ang pagdaragdag ng intensyon sa pakikibahagi ng diyosesis sa nakatakdang One Million Children Praying the Rosary Campaign. Sa pamamagitan ng liham sirkular ay inihayag ni Gumaca Diocesan Administrator Rev. Fr. Ramon Uriarte ang pagdaragdag ng intensyon ng pananalangin ng Santo Rosaryo para pagdating ng bagong Obispo ng diyosesis

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

ACN Philippines, umaapela ng suporta sa “One million children praying the rosary”

 20,054 total views

 20,054 total views Inaanyayahan ng sangay ng pontifical foundation ng Vatican sa bansa na Aid to the Church in Need-Philippines (ACN) ang mamamayan na makibahagi sa One Million Children Praying the Rosary Campaign sa ika-18 ng Oktubre, 2024. Ayon kay ACN – Philippines Chairperson, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, iaalay ang sabay-sabay na pananalangin ng mga

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Philippine Jesuit Prison Service, nagbigay ng seminar sa mga kabataang PDL

 24,011 total views

 24,011 total views Puspusan ang isinasagawang hakbang ng prison ministry at socio-pastoral apostolate ng Society of Jesus (Philippine Province) upang magabayan at mabigyang pag-asa ang mga naligaw ng landas lalo’t higit ang mga kabataang Persons Deprived of Liberty (PDLs) na nakagawa ng pagkakamali sa buhay. Sa ilalim ng psycho-spiritual, at strengths-based initiative ng na Philippine Jesuit

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

MAGPAS, simula ng paghahanda ng Archdiocese of Manila sa Jubilee year 2025

 21,883 total views

 21,883 total views Inilaan ng Archdiocese of Manila sa paghahanda sa nakatakdang Jubilee Year 2025 ang Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly (MAGPAS) sa susunod na buwan ng Nobyembre 2024. Sa sirkular ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ay inihayag ng Arsobispo ang paglalaan ng MAGPAS para sa pagbabahagi ng katesismo bilang paghahanda sa nakatakdang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top