Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ika-410 taong pagkatatag sa UST, ginunita

SHARE THE TRUTH

 318 total views

Ginugunita ngayong araw ang ika-410 taon mula ng maitayo ang University of Santo Tomas na pinakamatandang pamantasan sa Asya.

Pinangunahan ni Pontifical and Royal University of Santo Tomas Rector, Rev Fr. Richard Ang, O.P., PhD. ang thanksgiving mass na isinagawa sa Santisimo Rosario Parish sa UST.

Ayon sa Pari, bagamat humaharap ang bansa sa isang malawak na krisis na dulot ng COVID-19 pandemic ay naaangkop lamang na magbalik tanaw sa kasaysayan kung saan may mapupulot ring mga aral at inspirasyon na maaring magamit para sa kasalukuyang sitwasyon.

Paliwanag ni Fr. Ang, kabilang ang pagsisilbi ng UST bilang isang pundasyon ng pananampalatayang Kristiyano makalipas ang 500-taon sa mga pambihirang biyaya na patuloy na ipinagkakaloob ng Panginoon sa unibersidad.

“In history we look into the past as into a mirror to the hope of not only seeing we clearly reflected but also of becoming masters of present and future events. After 500 years of Christianity in the Philippines UST remains to be the bastion of the Catholic faith in Asia and in the country, truly grace is the source of all forms of human productivity.” pagninilay ni Fr. Ang.

Umaasa naman ang Pari na tulad ng katatagan ng unibersidad ay biyayaan rin ng Panginoon ang bawat isa ng katatagan, lakas at katapangan upang malagpasan ang kasalukuyang hamon ng COVID-19 pandemic.

Iginiit ni Fr. Ang na hindi dapat magpadala ang bawat isa sa takot, pangamba at kawalan ng katiyakan dulot ng pandemya.

“Many of us are restless, anxious, fearful of the uncertainty that the future may bring sabi nga ng maraming Filipino kung hindi tayo mamamatay sa virus, mamamatay tayo sa gutom. We pray that God may give the people, families and institutions like this university the ability to survive shocks and devastations in order to build a stronger community.” Dagdag pa ni Fr. Ang.

Itinatag ang UST noong April 28, 1611 bilang Colegio de Nuestra Senyora del Santisimo Rosario na kalaunan ay tinawag na Colegio de Santo Tomas bilang pag-alala kay St. Thomas Aquinas.

Taong 1645, idineklara ni Pope Innocent the 10th na Unibersidad ang pamantasan na kalaunan taong 1785 ay ginawaran ng titulong “Royal University” ni King Charles the 3rd ng Espanya.

Taong 1902 ng binigyan naman ng titulong “Pontifical University” ni Pope Leo the 13th ang unibersidad kung saan taong 1947 naman ng ginawaran ni Pope Pius the 12th ng titulong “The Catholic University of the Philippines” ang UST.

Bukod sa mayamang kasaysayang nasaksihan ng UST ay marami na ring mga kilalang personalidad ang nakabisita sa paaralan tulad ng mga Santo Papa at ni Mother Teresa, kung saan ang pinakahuli ay ang Kanyang Kabanalan Francisco sa kanyang naging pagbisita sa Pilipinas noong Enero ng taong 2015.(

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Job Mismatches

 11,132 total views

 11,132 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 17,465 total views

 17,465 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 22,079 total views

 22,079 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 23,640 total views

 23,640 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 39,540 total views

 39,540 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

Archdiocese of Caceres, dumanas ng pinakamalubhang pagbaha sa kasaysayan

 7,481 total views

 7,481 total views Umapela ng tulong ang Arkidiyosesis ng Caceres para sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Ayon kay Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon, maituturing na pinakamalubhang pagbaha ang idinulot ng Bagyong Kristine sa lalawigan lalo na sa mabababang lugar sa Naga. Pagbabahagi ng Arsobispo, marami pa ring mga pamilya ang hindi makabalik

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

Donation drive, inilunsad ng Bicol university

 7,553 total views

 7,553 total views Naglunsad ng donation drive ang official student publication ng Bicol University upang manawagan ng donasyon para sa mamamayang naapektuhan ng malawakang pagbaha na dulot ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Ayon sa The Bicol Universitarian, layunin ng kanilang inilunsad na donation drive na makapangalap ng sapat na pondo upang makatulong hindi

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

ANDUYOG, inilunsad ng Redemptorist Mission Community

 8,023 total views

 8,023 total views Naglunsad ang Redemptorist Legazpi Mission Community ng ‘ANDUYOG: Redemptorist Legazpi Typhoon Kristine Response’ upang manawagan ng donasyon para sa mamamayang apektado ng malawakang pagbaha na dulot ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Ayon sa kongregasyon, higit na kinakailangan ng mga apektadong mamamayan ang pagkain, bigas, malinis na inuming tubig, at hygiene

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

Establisyemento, paaralan at simbahan sa Albay, binuksan para sa typhoon Kristine evacuees

 7,881 total views

 7,881 total views Nagbukas ang mga establisyemento, paaralan, unibersidad at Simbahan sa Diyosesis ng Legazpi sa Albay upang magsilbing pansamantalang matutuluyan ng mga nagsilikas na pamilya na apektado ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa inisyal na tala ng The Bicol Universitarian na official student publication ng Bicol University ay aabot sa mahigit 20 mga establisyemento, paaralan,

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pag-uwi ng labi ni Bishop Bastes sa Sorsogon, ipinagpaliban

 9,906 total views

 9,906 total views Pansamantalang ipinagpaliban ang pagdating sa Diyosesis ng Sorsogon ng mga labi ni Sorsogon Bishop-Emeritus Arturo Bastes dahil sa pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Una ng inihayag ng diyosesis ang nakatakdang pagdating ng mga labi ng dating punong pastol ngayong ika-23 o ika-24 ng Oktubre, 2024 bago pa ang pananalasa ng bagyo

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Maglingkod para sa kabutihan ng kapwa, paalala ni Bishop Dael sa 2025 midterm election candidates

 12,309 total views

 12,309 total views Binigyang diin ni Tandag Bishop Raul Dael na anumang pangarap sa buhay ay hindi lamang sumentro sa pansariling kapakanan sa halip ay sa paglilingkod sa kapwa lalo’t higit sa mga nangangailangan. Ito ang paalala ng Obispo sa paggunita ng World Mission Sunday noong ika-20 ng Oktrubre, 2024. Ayon kay Bishop Dael, ang bawat

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

5-political dynasties, pinapadiskwulipika ng ANIM sa COMELEC

 10,305 total views

 10,305 total views Naninindigan ang dalawang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na napapanahon ng wakasan ang patuloy na pag-iral ng political dynasty sa bansa. Bilang kapwa convenors ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) ay pinangunahan nina Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, pangulo ng Caritas Philippines at Vice President San Carlos Bishop Gerardo

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mamayang Pilipino, hinamong maghain ng disqualification case laban sa mga magkakamag-anak na kandidato

 10,577 total views

 10,577 total views Nanawagan ang Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) sa publiko na maghain ng Disqualification Case laban sa mga kaanak ng incumbent Congressmen, Governor o Mayor na kakandidato sa nakatakdang 2025 Midterm Elections upang palitan sa puesto ang mga kaanak na magtatapos na ang termino sa pwesto. Ayon kay ANIM Lead Lawyer for Anti-Dynasty Campaign

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bishop Bastes, sumakabilang buhay sa edad na 80-anyos

 11,204 total views

 11,204 total views Pumanaw na sa edad na 80-taong gulang ang dating Obispo ng Diyosesis ng Sorsogon na si Bishop Emeritus Arturo Bastes ganap na alas-sais y medya ngayong umaga, ika-20 ng Oktubre, 2024. Ipinanganak noong April 1, 1944 sa Loboc, Bohol si Bishop Bastes ay naordinahang pari noong November 28, 1970 sa Society of the

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Si Hesus ang pundasyon ng PPCRV

 11,173 total views

 11,173 total views Inihayag ni Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) founding chairperson at former Ambassador Henrietta de Villa na si Hesus ang tunay na pundasyon at kampeon ng organisasyon. Ito ang pahayag ni De Villa sa paggunita ng PPCRV sa ika-33 anibersaryo ng pagkakatatag ng organisasyon bilang pangunahing tagapagbantay ng Simbahang Katolika sa pagkakaroon

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

QuadComm hearing sa EJK’s, binabantayan ng CHR

 11,784 total views

 11,784 total views Inihayag ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagsubaybay sa isinasagawang pagdinig ng House of Representatives’ Quad Committee (QuadComm) sa mga kaso ng extrajudicial killing (EJKs) sa kampanya laban sa ilegal na droga ng nakalipas na administrasyong Duterte. Kabilabg sa sinusubaybayan ng komisyon ang mga testimonya at ebidensya na inilalabas sa pagdinig na

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Diocese of Gumaca, makikibahagi sa one million children praying the rosary

 12,555 total views

 12,555 total views Inihayag ng Diyosesis ng Gumaca ang pagdaragdag ng intensyon sa pakikibahagi ng diyosesis sa nakatakdang One Million Children Praying the Rosary Campaign. Sa pamamagitan ng liham sirkular ay inihayag ni Gumaca Diocesan Administrator Rev. Fr. Ramon Uriarte ang pagdaragdag ng intensyon ng pananalangin ng Santo Rosaryo para pagdating ng bagong Obispo ng diyosesis

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

ACN Philippines, umaapela ng suporta sa “One million children praying the rosary”

 12,663 total views

 12,663 total views Inaanyayahan ng sangay ng pontifical foundation ng Vatican sa bansa na Aid to the Church in Need-Philippines (ACN) ang mamamayan na makibahagi sa One Million Children Praying the Rosary Campaign sa ika-18 ng Oktubre, 2024. Ayon kay ACN – Philippines Chairperson, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, iaalay ang sabay-sabay na pananalangin ng mga

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Philippine Jesuit Prison Service, nagbigay ng seminar sa mga kabataang PDL

 15,401 total views

 15,401 total views Puspusan ang isinasagawang hakbang ng prison ministry at socio-pastoral apostolate ng Society of Jesus (Philippine Province) upang magabayan at mabigyang pag-asa ang mga naligaw ng landas lalo’t higit ang mga kabataang Persons Deprived of Liberty (PDLs) na nakagawa ng pagkakamali sa buhay. Sa ilalim ng psycho-spiritual, at strengths-based initiative ng na Philippine Jesuit

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

MAGPAS, simula ng paghahanda ng Archdiocese of Manila sa Jubilee year 2025

 14,492 total views

 14,492 total views Inilaan ng Archdiocese of Manila sa paghahanda sa nakatakdang Jubilee Year 2025 ang Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly (MAGPAS) sa susunod na buwan ng Nobyembre 2024. Sa sirkular ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ay inihayag ng Arsobispo ang paglalaan ng MAGPAS para sa pagbabahagi ng katesismo bilang paghahanda sa nakatakdang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top