319 total views
Nagpahayag ng pakikiisa at pagkilala ang Church People – Workers Solidarity sa lahat ng manggagawa sa buong daigdig sa paggunita ng International Labor Day.
Sa opisyal na pahayag ni Diocese of San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, Chairperson ng Church People – Workers Solidarity ay kinilala ng Obispo ang pagsusumikap at pagsasakripisyo ng lahat ng manggagawa, unyon, at iba pang mga grupo na nagsusulong ng mas maayos na pagkilala at patas na mga benepisyo.
“CWS joins the millions of workers worldwide in commemorating International Labor Day. On this special day, we pay tribute to the struggles and sacrifices made by workers, unions, working class movements in advancing dignified labor.” pahayag ni Bishop Alminaza.
Ayon sa Obispo, isang pambihirang pagkakataon ang paggunita ng Labor Day ngayong taon kung saan ginugunita rin ang ika-500 anibersaryo ng pagdating ng pananampalatayang Kristiyano sa bansa gayundin ang idineklarang Year of St. Joseph ng Santo Papa Francisco na patron ng mga manggagawa.
Paliwanag ni Bishop Alminaza, tulad ng matapang at matiyagang pagharap ni San Jose sa misyong iniatang sa kanya ng Panginoon ay kapansin-pansin rin sa mga Filipinong manggagawa ang katangiang ito ni San Jose.
Inihayag ng Obispo na tulad ni San Jose ay mas higit na naipapamalas ng mga manggagawang Filipino ang pagsusumikap na magsilbing inspirasyon at daluyan ng pag-asa.
“Inspired by the life of St. Joseph, Filipino workers remain strong and courageous in the midst of the covid-19 pandemic. They look up to their patron who made hidden sacrifices to protect others. Indeed, in this time of crisis, St. Joseph shines as an inspiration, a unifying and central figure to look up to.” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.
Partikular namang pinuna ni Bishop Alminasa ang kapabayaan ng pamahalaan na tugunan ang pangangailangan at sitwasyon ng mga Filipinong manggagagawa sa bansa na higit na apektado ng krisis na dulot ng pandemya.
Iginiit ng Obispo na bukod sa kakulangan ng hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga manggagawa mula sa pagkakalantad sa COVID-19 virus ay mas higit na binibigyang prayoridad ng pamahalaan ang kalagayan ng ekonomiya sa halip ang buhay ng mamamayan. “Filipino workers are among the most affected by onslaught of covid-19.
Government apathy and inefficiency has failed to protect workers’ safety and health. In the guise of “reviving the economy”, workers’ safety and lives are put in jeopardy.
Every day, millions of workers continue to suffer from the ever worsening socio-economic conditions brought about by record high unemployment rate, skyrocketing prices of basic commodities, and lack of income.” Ayon pa kay Bishop Alminaza.
Inihayag ng Obispo na ang mga manggagawa ang tunay na pundasyon ng matatag na ekonomiya sa bansa kaya’t marapat lamang na bigyang prayoridad ang kanilang kapakanan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga mass testing at contact tracing.
Kaugnay nito batay sa tala ng IBON Foundation mula ng magsimula ang COVID-19 sa bansa noong nakalipas na taon ay tinatayang aabot na sa 10.5 milyong Filipino ang nawalan ng trabaho at nananatiling unemployed na higit na nangangailangan ng tulong upang maibigay ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya.