Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Karapatang maglaro sa panahon ng pandemya

SHARE THE TRUTH

 180 total views

Mga Kapanalig, nakalulungkot na ang paglalaro ng isang bata sa labas ng kanilang bahay ay nauwi sa kanyang pagkamatay. Napabalita kamakailan ang pagpanaw ni John Dave Pepito, isang 12-taong-gulang na batang namatay matapos tumakbo papalayo sa mga barangay tanod na humahabol sa kanya. Naglalaro si John Dave at iba pang bata sa labas ng kanilang bahay. Ayon sa mga saksi, nawalan ng malay ang bata matapos habulin ng mga barangay tanod dahil bawal daw lumabas ang mga bata sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (o MECQ). Itinakbo si John Dave sa ospital ngunit idineklara siyang dead on arrival.

Sa loob ng mahigit isang taong community quarantine sa ating bansa, pinananatili sa loob ng bahay ang mga batang katulad ni John Dave. Ayon sa pamahaalan, ito ay upang ilayo sila sa kapahamakang dala ng COVID-19. Ngunit sa edad kung kailan mahalaga ang paglalaro at pakikipag-ugnayan sa kapwa, ano ba ang naging epekto ng pagkakakulong ng mga bata sa apat na sulok ng kanilang tahanan?

Ayon sa konsultasyong isinagawa ng Civil Society Coalition on the Convention on the Rights of the Child (o CRC Coalition), mga organisasyong nagtataguyod ng karapatang pambata at nagbabantay sa implementasyon ng United Nations Convention on the Rights of the Child (o UNCRC) sa Pilipinas, sinabi ng mga batang malaki ang naging epekto sa kanilang pangkaisipan at emosyonal na kalusugan ng hindi paglabas sa kanilang tahanan sa loob ng higit isang taon. Sa survey naman na isinagawa ng Plan International, isa pang organisasyong nagtataguyod ng karapatang pambata, 42 porsyento ang nagsabing nakaramdam sila ng lungkot at halu-halong emosyon dala ng pandemya. Marami rin ang nagsabing naiinip sila, natatakot, at nababalisa. Kung 24 oras nga naman sa loob ng mahigit isang taon ay nasa loob lamang sila ng bahay, hindi ba’t natural na naisin nilang maglaro sa labas kasama ang ibang bata?

 

PSD Toktok

 

Isa ang karapatang maglaro sa mga karapatang pambatang ipinangako ng Pilipinas na itataguyod noong lumagda ang ating pamahalaan sa UNCRC noong 1990. Hindi lamang saya o katuwaan ang dala ng paglalaro para sa mga bata. Habang nasa proseso pa lamang sila ng kanilang pag-unlad o development, napakaraming matututunan ng mga bata sa pakikipaglaro sa kanilang kapwa bata, gaya na lamang ng pagiging malikhain, paggamit ng imahinasyon, at pakikipagkapwa-tao. Ang paglabas ng bahay ng isang batang katulad ni John Dave, bagama’t delikado dahil sa hindi nakikitang virus, ay isang pamamaraan upang paunlarin ang kaniyang sarili. Natural ito sa mga bata at hindi sila dapat hinahabol na tila mga tinutugis na kriminal dahil lamang sa kanilang kagustuhang maglaro.

Isa lamang si John Dave sa mga naging biktima ng mala-militar na solusyon ng pamahalaan sa isang problemang nangangailangan ng medikal na solusyon. Matatandaan ninyo marahil si Darren Peñaredondo na pinag-squat nang ilang beses dahil nasa labas siya upang bumili ng inuming tubig sa oras ng curfew. Ikinamatay niya ang pisikal na pagpaparusa sa kanya. Kailan pa naging paglabag sa batas ang paglabas upang bumili ng inuming tubig?

Sabi nga ni Pope Francis, ang paglalaro ay ekspresyon ng mga bata ng kanilang pagiging inosente at pangako ng magagandang bagay katulad ng pag-asa, pagmamahal, at kapayapaan. At gaya ng sinabi ni Hesus, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pagbawalan sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng langit.”

Mga Kapanalig, mahalaga ang paglalaro para sa mga bata. Sa halip na habulin ang mga batang naglalaro sa labas, dapat sana ay kinausap na lamang sila nang mahinahon. Hindi dapat takot ang itinatatak natin sa isip ng mga bata kundi pagkalinga at pagmamahal.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 15,026 total views

 15,026 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 29,682 total views

 29,682 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 39,797 total views

 39,797 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 49,374 total views

 49,374 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 69,363 total views

 69,363 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 15,027 total views

 15,027 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 1,902 total views

 1,902 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 29,683 total views

 29,683 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 39,798 total views

 39,798 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 49,375 total views

 49,375 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 69,364 total views

 69,364 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,258 total views

 47,258 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,283 total views

 42,283 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 45,852 total views

 45,852 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,307 total views

 58,307 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 69,374 total views

 69,374 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 75,693 total views

 75,693 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,305 total views

 80,305 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 81,865 total views

 81,865 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 47,426 total views

 47,426 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top