218 total views
Ito ang paalala ni Dra. Alice Gonzales Villados, Resident Dentist ng programang Caritas in Action kaugnay sa sitwasyon na kinakaharap ng mga dentista sa gitna ng pandemya.
Ayon kay Dra. Villados, ilan sa mga dental clinics ang humihingi ng swab test result o antigen result bago tumanggap ng pasyente.
Aminado si Dra. Villados na normal lamang ito bilang pangangalaga din sa kalusugan ng mga Dentista lalo na’t mataas ang exposure na kanilang kinakaharap sa bawat pasyente.
“Ngayon panahon din ng pandemya puwede tayo magpa-consult kaya lang may mga Dentista na hindi sila nag ooperate habang pandemya yun mga nag-ooperate nagre-request sila ng swab test or antigen or any letter na sila ay covid free”paalala ng dentista.
Ipinayo ni Dra. Villados na maging mas maingat sa ating mga ngipin upang makaiwas sa biglaang pangangailangan na magtungo sa mga Dentista.
“Sana maging mapili kayo sa mga kakainin nyo pero wag aalisin ang pagsisipilyo ng tama, kasi po yun iba pasyente na iba ngayoin sige lang ng sige sa pagkain…Pwede mag crack ang mga ngipin natin kapag masyado matigas ang ating nginunguya… Kaya nga pipiliin natin, do not chew something that you cannot bite and do not bite something that you cannot chew…” pahayag ni Dra.
Villados sa panayam ng programang Caritas in Action. Pinapayuhan naman ni Dra. Villados ang mga nakakaranas ng sakit ng ngipin na uminom lamang ng tamang pain killer o kaya ay magmumog ng maligamgam na tubig na may asin.
Maari din mag-konsulta sa inyong mga dentista gamit ang mga makabagong pamamaraan ng teknolohiya gaya ng online video conference o messaging app. Marso ng taong 2020 nang ideklara ang iba’t ibang quarantine measure sa bansa dahilan upang maapektuhan din ang ilang mga Klinika gaya ng Dental Clinic at iba pa.