366 total views
Abala ngayon ang maraming Diyosesis sa bansa sa pagsasagawa ng mga programa para sa mga mahihirap. Sa pakikipag-ugnayan sa mga Diyosesis na nakaranas ng bahagyang epekto ng bagyong Bising noong nagdaang buwan ng Abril, ay kanilang ibinahagi ang mga programa kung saan mas ibayong pangangailangan ng tulong o suporta.
Ayon kay Msgr. Gerry Perez ng Archdiocese of Tuguegerao , sila ay nagpapasalamat na hindi sila nakaranas ng malaking pinsala sa nagdaang bagyo lalo’t nakatuon pa din ang kanilang programa sa shelter assistance para sa mga naapektuhan ng bagyong Ulysses noong Nobyembre ng taong 2020.
“Tuloy pa din ang aming pagpapagawa ng mga bahay para sa mga displaced families last November (Ulysses).. Mga houses na” mensahe ni Msgr. Perez.
Samantala una nang inihayag ni Rev. Fr. Renato Dela Rosa ng Diocese of Virac ang kanilang plano na makapagpatayo ng 500 Bahay para sa mga naapektuhan nmg bagyong Rolly.
Tignan: https://www.veritas846.ph/500-bahay-itatayo-ng-diocese-of-virac-sa-mga-biktima-ng-kalamidad/
Kaugnay nito, livelihood program naman ang pinagtuunan ng Diocese of Sorsogon.
Ayon kay Rev. Fr. George Fajardo, SAC Director ng Diyosesis, nakikita nila na mas makakatulong ang mga programang pangkabuhayan gaya ng gulayan sa Parokya at Rabbitry kaya naman ito ang kanilang ngayong pinalalakas.
“Okay naman kami dito, sa ngayon on going ang mobile store namin at gulayan sa parokya saka yun rabbitry livelihood kasi mas sustainable ito.. Sa ngayon meron kaming 2 gulayan sa Parokya at 1 rabbitry livelihood” pagbabahagi ni Fr. Fajardo.
Patuloy naman ang pagsasagawa ng mga community pantry sa ilang mga parokya gaya ng sa Pu Ana at Pu Joaquin sa General Nakar Quezon pagbabahagi ng Kura Paroko nito na si Rev. Fr. Boyet Valenzuela.
“regular po ako na nagpunta sa mga maysakit at may ayuda. Yun Community Pantry 2 weeks na po ginagawa dito sa Parokya. Napakaganda po na may mga nagbibigay ng donasyon at madami din pa talaga ang nangangailangan kaya tuloy tulong lang ang pantry.” Mensahe ni Fr. Valenzuela.
Magugunitang nagsulputan ang iba’t-ibang mga community pantry sa bansa matapos mag-trending ang Maginahawa Community Pantry.
Sa pamamagitan ng iba’t-ibang programa ng Simbahang Katolika ay matagal ng nasimulan ang mga kahalintulad na programa gaya ng Caritas kindness Station ng Caritas Philippines at mga Social Action Center sa iba’t-ibang lalawigan habang may feeding program naman ang Caritas Manila na nagpapakain sa may 6 na libong mahihirap na bata.