Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Araw ng mga mapagkalingang ina

SHARE THE TRUTH

 212 total views

Mga Kapanalig, lalo na sa mga ina, belated Happy Mother’s Day!

Ngayong may pandemya, hindi biro ang pinagdaraanan ng mga ina sa loob ng tahanan. Alam at nakikita nating sila ang sumasalo sa halos lahat ng responsibilidad para sa pangangalaga sa pamilya at pagpapanatili ng kaayusan sa loob ng bahay. Gaya ng sabi sa Juan 15:13, “wala nang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa iba.” Tunay ngang wala nang hihigit pa sa walang pasubaling pagmamahal ng mga ina at pagsisikap na ginagawa nila para sa pamilya, kaya naman dapat lamang na ating nakikita at pinahahalagahan ang araw-araw nilang ginagampanan sa ating buhay.

Ngayong mas maraming oras ang inilalaan natin sa loob ng bahay, mas naramdaman ng mga nanay ang bigat at tila hindi matapus-tapos na gawaing-bahay at pag-intindi sa iba pang mga suliranin sa tahanan. Maraming mga ina ang kinakailangang pagsabayin ang pagluluto, paglilinis, pamamalengke, pag-aalaga sa mga anak, pagtuturo sa mga estudyante, habang ang iba ay sa kanila ay naghahanapbuhay. Kung tutuusin, mas lalong nakalulula ang dami ng gawain ng mga nanay ngayong pandemya. Sa pagsasara ng mga paaralan, nariyang sila ang tumatayong pangalawang guro ng mga bata. Nagagawa nila ito kasabay nang iba pang responsibilidad.

 

PSD Toktok

 

Bagamat lahat ng tao, anuman ang edad, katayuan sa lipunan, at kasarian, ay naapektuhan ng COVID-19 pandemic, 54% lamang ng mga lalaki at 60% ng mga babae ang nagsasabing nadagdagan ang oras na iginugugol nila sa tinatawag na unpaid care and domestic work o pag-aalaga at mga gawaing-bahay na walang bayád. Maliban sa karagdagang oras, 28% din ng mga babae (kumpara sa 16% ng mga lalaki) ang nagsabing mas dumami o mas bumigat ang mga ginagawa nilang gawain sa bahay simula nang kumalat ang COVID-19. Ibig sabihin, mas naglalaan ng maraming oras ang mga ina sa mas maraming bilang ng mga gawain sa loob ng bahay.

Sa buong mundo, napupunta sa mga babae, partikular na sa mga ina, ang pasanin ng unpaid care and domestic work. Dahil dito, maraming kababaihan ang napipilitang tumigil sa pagtatrabaho upang maalagaan ang kanilang mga anak. Ayon sa UN Women, itutulak ng pandemya sa bingit ng kahirapan ang 47 milyong kababaihan ngayong taon, at gagawin nitong 435 milyon ang kabuuang bilang ng kababaihan at batang babaeng nakararanas ng matinding kahirapan. Kaya naman, talagang higit na negatibong naapektuhan ng pandemya ang mga babae lalo na ang mga nanay na maraming ginagawang tungkulin sa loob at labas ng tahanan.

Ang unpaid care work ng ating mga ina sa tahanan ay isang napakahalagang bahagi ng pagtugon sa pandemya. Nagagawa nilang panatilihin ang kalusugan ng bawat miyembro ng pamilya sa pamamagitan ng paghahanda ng pagkain at pag-aalaga sa mga maysakit, sa paggabay sa pagpapatuloy ng edukasyon ng mga bata, at sa paniniguradong may pumapasok pa ring household income. Gaya ng sabi sa Amoris Laetitia, ang mga ina at kanilang mga katangian ang pinakamabisang pangontra sa pagiging makasarili ng lipunan. Sila ang nagpapatotoo sa kagandahan ng buhay. Sinasabing ang isang lipunang walang mga ina ay napagkakaitan ng mga positibong katangian ng mga tao, dahil ang ating mga nanay, kahit sa pinaka hindi kanais-nais na pagkakataon, ay saksi at instrumento sa pagpapatuloy ng kahinahunan, kabaitan, at dedikasyon sa buhay.

Mga Kapanalig, iba-iba man ang bigat na pinapasan ng mga tao ngayong may kinahaharap tayong pandemya, hindi maikakailang seryosong usapin ang ambag ng bawat ina sa buhay ng bawat tao, lalo na sa mga pamilya. Inilantad ng krisis ng COVID-19 ang katotohanang nairaraos at gumagaan ang ating mga araw, lalo na ngayong may pandemya, dahil sa pagmamahal at pagkalinga ng ating mga ina.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 35,438 total views

 35,438 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 50,094 total views

 50,094 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 60,209 total views

 60,209 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 69,786 total views

 69,786 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 89,775 total views

 89,775 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 35,439 total views

 35,439 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 3,301 total views

 3,301 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 50,095 total views

 50,095 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 60,210 total views

 60,210 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 69,787 total views

 69,787 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 89,776 total views

 89,776 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 49,077 total views

 49,077 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 44,102 total views

 44,102 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,671 total views

 47,671 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 60,126 total views

 60,126 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 71,193 total views

 71,193 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,512 total views

 77,512 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 82,122 total views

 82,122 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,682 total views

 83,682 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 49,243 total views

 49,243 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top