437 total views
Nagpaabot ng pakikiisa at pagbati ang Ecclesiastical Province of Tuguegarao sa pagdiriwang ng ika-51 anibersaryo ng pagkakatatag ng Diocese of Ilagan.
Sa pamagitan ng isang video message ay ibinahagi ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao ang pagbati ng buong Diyosesis ng Bayombong sa patuloy na pag-unlad ng pananampalataya sa Ilagan.
Ayon kay Bishop Mangalinao, naaangkop lamang na bigyang pagkilala ang mahalagang papel na gingampanan hindi lamang ng mga lingkod ng Simbahan kundi maging ng mga mananampalataya upang mapayabong ang ipinagkaloob na pananampalatayang Kristiyano ng Panginoon sa Diyosesis ng Ilagan.
“we here in the Diocese of Bayombong thank God for the gift He have given you from small beginnings your diocese has achieve a lot of development first of the faith and we know faith only grows by the grace of God and the response of His chosen ones coming from the clergy and the consecrated men and women follow by the response of the believers of the faithful.” pahayag ni Bishop Mangalinao.
Ibinahagi rin ni Bishop Mangalinao ang panalangin na nawa ay patuloy pang sumigla at lumago ang pananampalataya sa Diocese of Ilagan makalipas ang 51-taon.
Nagpaabot rin ng mainit na pagbati si Archdiocese of Tuguegarao Archbishop Ricardo Baccay kay Ilagan Bishop David William Antonio na kasalukuyang nagsisilbi bilang punong pastol ng diyosesis.
Ayon kay Archbishop Baccay, sadyang kamangha-mangha ang naging paglago at patuloy na paglaganap ng pananampalataya sa Diocese of Ilagan.
“Filled with joy I would like to express my felicitations to the people of the Diocese of Ilagan led by Bishop William Antonio as they celebrate 51st founding anniversary. I feel so proud and honor that the Church of Ilagan has grown to what it is now, very dynamic diocese.” mensahe ni Archbishop Baccay.
Umaasa naman ang Arsobispo na magsilbing inspirasyon at pambihirang pagkakataon ang paggunita ng ika-51 anibersaryo ng pagkakatatag sa Diyosesis ng Ilagan upang higit pang maipalaganap at mapasigla ang pananampalatayang Kristiyano na ipinagkaloob sa Pilipinas 500-taon na ang nakakalipas lalo na ngayong panahon ng pandemya.
“50 years of continues rich blessings and achievements may this celebration be an opportunity to renew commitments to the mission with the seed 500 years ago when faith was brought to our country especially during this time of the pandemic.” Dagdag pa ni Archbishop Baccay.
Itinatag ang Diocese of Ilagan noong January 31, 1970 habang opisyal naman itong naitalaga o canonically erected noong May 12, 1970 sa ilalim ng pamumuno ng kauna-unahang Obispo ng diyosesis na si Bishop Francisco R. Cruses, D.D.
Ang Diocese of Ilagan ay bahagi ng Ecclesiastical Province of Tuguegarao binubuo ng mga diyosesis ng Ilagan, Bayombong, Apostolic Vicariate of Tabuk at Prelatura ng Batanes.