382 total views
Pinaalalahan ng mga legal expert ang publiko patungkol sa ating karapatan sa tuwing bibili o magbebenta online.
Ayon kay Atty. Jonnah Morado ng Initiatives for Dialogue and Empowerment through Alternative Legal Services o IDEALS, mahalaga na alam ng mamimili ang kanilang karapatan mula sa pagbili ng mga kagamitan o ano mang bagay mula sa mga online platforms.
Paliwanag ni Atty. Morado marami tayong umiiral na batas dito sa Pilipinas na mag-poprotekta sa mga mamimili.
“Actually maraming batas na sumasakop dito para protektahan ang mga mamimili kasama na yun buyers at seller natin una na diyan yun consumer act natin dito nakalagay ano ba ang mga manners sa pagbebenta, ano ba ang mga dapat ilagay ng mga seller, ano yun mga qualities ng buyer meron din tayong E-commerce Act kung saan yung mga online transaction yun mga pag-pirma o mga resibo online. Yun Cyber Crime Prevention Act ito naman ay punishable by law na kapag ginawa natin online dito papasok.”
Aminado si Atty. Morado na dapat maging maagap sa pagdodokumento ng mga trasnsaction online at isa aniya sa mabisang paraan ay ang pag-screen shot ng mga usapan o transaksiyon lalo na kung mito ay patungkol na sa pagbabayad o pagtanggap ng salapi.
Aniya dapat agad na lumapit sa mga otoridad oras na mabiktima ng mga pekeng seller o buyer online.
“kung sakali na umabot talaga tayo sa nabiktima tayo ng mga bogus buyer o seller at hindi natin alam ang identity niya pwede tayo magpatulong sa pnp cyber crime unit pwede din sa NBI [National Bureau of Investigation] para maimbestigahan… Hindi kasi tayo pwedeng mag file ng case sa Korte kung hindi natin alam ang identity nung kakasuhan”Dagdag pa ng Abogada.
Samantala, binalaan din ng Ideals Inc, ang mga hindi sumusunod sa paglalagay ng tamang presyo sa kanilang mga panindad online.
Giit ni Atty. Morado, bawal ang ‘PM is the Key’ kung saan hinihikayat ang mga mamimili na magpadala ng personal na mensahe sa mga seller upang malaman o makipagtawaran ng presyo.
“Under sa Consumer Act labag ito sa batas ang hindi paglalagay ng price tag o at pagbebenta ng produkto na mas mataas kesa sa nakalagay sa price tag. This constitutes as false representation, ito ay isang klase ng manipulasyon”
“ang parusa niyan maaaring magmulta ng P200 pesos hanggang P100 pesos o makulong ng 5 buwan hanggang isang taon o maaari din magdulot ng pagbawi ng lisensya o business permit” paliwanag pa ni Atty. Morado sa programang All rights sa Caritas in Action.
Batay sa datos tumaas ng 57 porsyento ang online spending ng mga Pilipino sa gitna ng nararanasan pandmeya dahilang upang dumami din ang mga nabebenta at gumagamit ng online platform para sa kanilang mga hanapbuhay.