438 total views
Magkakaroon ng panibagong opisyal na coat of arms ang Archdiocese of Manila na hango pa rin sa orihinal na sagisag na ginagamit ng arkidiyosesis.
Sa liham sirkular ni Archdiocese of Manila Chancellor Rev. Fr. Reginald R. Malicdem, inihayag ng Pari na ang pagkakaroon ng pagbabago sa kasalukuyang coat of arms ng arkidiyosesis ay bahagi ng paghahanda sa pagtatalaga ng bagong Arsobispo ng Archdiocese of Manila at paggunita sa World Communications Day kasabay ng Solemnity of the Ascension of the Lord.
“In celebration of the World Communications Day today, the Solemnity of the Ascension of the Lord, and in preparation for the installation of our new Archbishop, the Chancery releases an updatedofficial coat of arms of the Archdiocese of Manila and the style guide for its use.” bahagi ng liham sirkular ni Fr. Malicdem.
Ibinahagi ni Fr. Malicdem na napapanahon lalo na sa modernong panahon ng internet at social media na magkaroon ng pagbabago sa kasalukuyang sagisag.
Nilinaw ng Pari na ang ginagamit ng arkidiyosesis na sagisag ay walang malinaw o high-resolution file na isang mahalagang detalye para sa opisyal na pagbabahagi ng mga mensahe, atas at materyal ng arkidiyosesis.
“Furthermore, we do not have a high-resolution file of the previous RCAM arms, which is essential in this age of social media.” Dagdag pa ni Fr. Malicdem.
Binigyang diin naman ng Pari, na mahalagang sundin ng bawat parokya, paaralan, institutions, communities, offices, commissions, at ministries sa Archdiocese of Manila ang guidelines o style guide for use na ibabahagi Chancery para sa naaangkop at tamang paggamit ng bagong coat of arms ng arkidiyosesis.
Nasasaad sa naturang guidelines o style guide for use ang mga pagbabago sa disenyo ng coat of arms ng arkidiyosesis gayundin ang kahulugan ng mga kulay at iba pang elemento na makikita sa bagong sagisag ng arkidiyosesis.
Giit ni Fr. Malicdem, mahalagang patuloy na igalang ang orhinal na disenyo ni Archbishop Mariano A. Madriaga na iginuhit naman ni Galo B. Ocampo.