454 total views
P20 Milyong piso na halaga ng mga gift certificates ang target maipamigay ng Caritas Manila habang umiiral ang General Community Quarantine with restrictions sa NCR Plus bubble.
Sa kasalukuyan ay aktibo ang Caritas Manila sa pamamagi ng mga gift certificates sa mga ‘poorest among the poor” na pamilya sa mga Parokya na nasasakupan ng Arkidiyosesis ng Maynila.
Ang bawat gift certificates ay nagkakahalaga ng tig isang libong piso na maaring magamit ng mga mahihirap na pamilya upang ipamili ng kanilang mga pangunahing panangailangan sa isang kilalang grocery store.
Ang proyekto ay pinamumunuan ng Disaster and Crisis Management program ng Caritas Manila na Caritas Damayan at ng Social Service and Development Ministry nito katuwang ang bawat Parokya na benepisyaryo ng nasabing proyekto na pinamagatang “Damayan GC Ayuda 2021.”
Sa kasalukuyan ay umaabot na sa halos 10 libong pamilya o P10 Milyong piso ang naipamigay ng Caritas Manila sa loob pa lamang ng dalawang linggo.
Nasa P10 Milyong piso ang inaasahan namang ipamimigay ngayong mga darating na araw . Magugunitang simula ng magkaroon na mga quarantine measure at kahirapan na dala ng Pandemya ay nagpamigay ang Caritas Manila ng mga Gift Certificates at mula pa taong 2020 umabot na ito sa P1.3 Billion pesos katuwang ang iba’t-ibang pribadong sektor. Maliban dito,
Namimigay din ngayon ng mga gulay ang Caritas Manila matapos na mag-donate ng 5 milyong piso ang Ficco Foundation para dito.
Inaasahan na sa mga darating na araw ay maglulunsad din ng pamimigay ng gift certificates ang programang Caritas in Action sa Radyo Veritas 846 para sa mga nawalan ng hanapbuhay dahil pa din sa epekto ng pandemya.