505 total views
Umapela ang Kanyang Kabanalan Francisco sa Israel at Palestine na wakasan ang karahasan sa lugar at paigtingin ang dayalog tungo sa pagkakasundo.
Ito ang mensahe ng santo papa kaugnay sa nagpapatuloy na kaguluhan sa lugar na labis nakaapekto sa mamamayan. Binigyang diin ni Pope Francis na ang poot na nauuwi sa karahasan sa iba’t ibang lungsod sa Israel ay malubhang pinsala sa pagkakapatiran at kapayapaan ng mga mamamayan sa lugar.
“I make an appeal to calm and, to who is responsible for it, to put a stop to the din of weapons and to follow the paths of peace, even with the help of the International Community,” mensahe ni Pope Francis.
Iginiit ng punong pastol ng simbahan na hindi kailanman tugon sa anumang suliranin ang karahasan at digmaan subalit ang pagbubuklod-buklod at pakikipag-usap ang mabisang daan tungo sa pagkamit ng kapayapaan.
Sa pahayag ng Israeli military mahigit sa 50 war planes ang naglunsad ng mga pag-atake sa Gaza nitong Mayo 17, 2021. Umabot na sa 200 ang nasawi sa digmaan sa pagitan ng Israel at Gaza habang mahigit sa 1, 000 naman ang nasugatan.
Sinabi ni Pope Francis na bukod tanging dayalogo lamang ang magpapanauli sa kaguluhan sa mga lugar sa Holy Land.
“The growing hatred and violence that is involving various cities in Israel is a serious wound to fraternity and to peaceful coexistence among the citizens, which will be difficult to heal if we do not open immediately to dialogue,” ani Pope Francis.
Ito na ang pinakamalubhang karahasan sa pagitan ng Israel at Palestinian territory of the Gaza strip mula 2014.