327 total views
Nagpahayag ng pagkilala ang Commission on Human Rights (CHR) sa anunsyo ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar na pagbubukas ng may 7-libong kaso ng pagkamatay na may kaugnayan sa anti-drug operation ng ahensya.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, ang naturang hakbang ay maituturing na pagpapamalas ng kahandahan ng PNP na mapanagot ang mga umabuso sa kanilang katungkulan at mabigyan ng katarungan ang mga biktima ng marahas na operasyon ng pamahalaan laban sa illegal na droga.
“The Commission on Human Rights (CHR) welcomes the announcement of the Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar to also open around 7,000 cases involving deaths linked to the government’s drug campaign to scrutiny and investigations. This is a gesture of openness and cooperation from the PNP necessary in pursuing justice and accountability for the violations committed.” bahagi ng pahayag ng CHR.
Umaasa naman ang kumisyon sa kahandaan ng PNP na makipagtulungan sa iba’t ibang ahensya maging sa CHR sa pagsasagawa ng patas na imbestigasyon sa mga bubuksang kaso.
“With this new pronouncement, we equally hope that the PNP ensures cooperation without reservation in the investigations and sharing of relevant case files with the CHR for our own independent probe.” Dagdag pa ni Atty. De Guia.
Hinihikayat rin ng Komisyon ng Karapatang Pantao ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas na ipagpatuloy ang nasimulan nitong hakbang na higit na pagbibigay halaga sa karapatang pantao at pagsusulong ng mas makataong pagtugon sa kanilang tungkulin.
Sa ganitong paraan naniniwala si De Guia na maaring muling mabuo ang tiwala at kapanatagan ng mamamayan sa pwersa ng pamahalaan partikular na sa mga pulis na mayroong mandating protektahan ang kapakanan ng taumbayan.
“We encourage the PNP to sustain this momentum of fostering a positive attitude towards human rights and translate these commitments into actual effects on the ground, such as reduction of violence in communities, towards ushering better trust and confidence in the police force and the government as a whole.” Ayon kay Atty. De Guia.
Samantala, mariin din ang paninindigan ng Simbahang Katolika sa pagbibigay halaga sa karapatang pantao at sa mismong buhay ng bawat nilalang na kaloob ng Panginoon sa sangkatauhan.