333 total views
Kinupirma ni Archdiocese of Manila Archbishop-elect Cardinal Jose Advincula na ipinagpaliban ang pagtanggap nito ng biretta sa susunod na buwan.
Sa mensahe ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas sinabi nitong itinakda na sa Hunyo 8, 2021 ang ‘bestowal of red hat’. Ito ay matapos sumailalim sa 14-day mandatory quarantine si Apostolic Nuncio to Philippines Archbishop Charles Brown nang dumating sa bansa mula sa New York.
Ayon kay Cardinal Advincula, ito ay gaganapin pa rin sa Immaculate Conception Metropolitan Cathedral sa Roxas City ganap na alas nuwebe ng umaga.
Sa Hunyo 24, 2021 naman ay pormal nang itatalaga si Cardinal Advincula bilang ika -33 arsobispo sa Arkidiyosesis ng Maynila.
Ito rin ay dadaluhan ng mga alkalde ng San Juan, Pasay, Makati, at Mandaluyong sa pangunguna ni Manila City Mayor Francisco Domagoso.
Imbitado rin sa installation ang Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo.
Puspusan naman ang paghahanda ng arkidiyosesis sa pagdating ng bagong arsobispo lalo’t mahigit sa isang taon nang sede vacante ang arkidiyosesis na pansamantalang pinangangasiwaan ni Bishop Broderick Pabillo