464 total views
Tiniyak ng Diocese of San Carlos ang seryosong pagtugon ng Simbahan sa lahat ng mga uri ng pang-aabuso lalo na laban sa mga kabataan at mga mahihinang sektor ng lipunan.
Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, ang anumang alegasyon ng pang-aabuso ng mga lingkod ng Simbahan ay hindi dapat baliwalain lalo na kung ito ay laban sa mga menor de edad.
Pagbabahagi ng Obispo, marapat na agad na ipagbigay alam sa Simbahan lalo na sa tanggapan ng diyosesis ang anumang reklamo o valid complaint lalo na kung may kinalaman ito sa mga lingkod ng Simbahan o kaya naman ay sa mga kawani na naglilingkod sa mga Simbahan.
Paliwanag ni Bishop Alminaza, mahalagang agad na makipag-ugnayan ang sinuman lalo na sa Professional Standard Office ng Diocese of San Carlos upang ganap na maimbestigahan at mabigyan pansin ang anumang insidente ng pang-aabuso ng mga lingkod ng Simbahan.
Tiniyak naman ng Obispo ang pagbibigay proteksyon sa pagkakakilanlan ng biktima at pagiging patas ng isasagawang imbestigasyon upang mabigyan ng katarungan ang biktima at maparusahan ang tunay na may kasalanan.
“The Church takes very seriously the sexual abuse of minors and vulnerable adults. Any allegation of sexual abuse of a minor is a serious matter and will be treated with utmost urgency and confidentiality. Kindly contact Fr. Martin Brodit, Jr. if there is a valid complaint against a clergy or any of our lay parish workers. Contact Number: 09519749840 Email: [email protected]” Ang pahayag ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza.