Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang kalagayan ng mga mangingisdang Pilipino

SHARE THE TRUTH

 2,501 total views

Mga Kapanalig, hindi maikakailang malaki ang kontribusyon ng mga mangingisda sa ating food security. Sa kabila nito, isa sila sa pinakamahirap na sektor sa lipunan. Sa kasalukuyang krisis sa kalusugan, mga kalamidad na dala ng climate change, at kakulangan ng suporta mula sa pamahalaan, mas lumalalâ ang dinaranas nilang kahirapan. Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (o PSA), negative 2.1% ang naging produksyon ng lokal na pangisdaan o municipal fishing. Mula sa 1.12 milyong metric tons, bumaba ito sa 1.10 milyong metric tons. Samantala, lumaki naman ang produksyon ng komersyal na pangisdaan o commercial fishing. Hindi na ito nakapagtataka dahil higit na mas lamáng ang mga kagamitan at barko ng komersyal na industriya ng pangingisda. Kaya mahalagang mas bigyang-pansin ang mga municipal fisherfolks o ang maliliit na mangingisda na silang mas bulnerable sa kahirapan.

Tandaan nating magkaugnay ang kalusugan ng mga nasa pamayanang umaasa sa pangingisda at ang kondisyon ng kanilang pangisdaan at ang kanilang fish catch o dami o liit ng huli nilang lamang-dagat. Ibig sabihin, kung sagana ang huli ng mga mangingisda, mas malusog ang mga tao sa mga komunidad, lalo na sa mga lugar na malapit sa baybayin—mga lugar kung saan ang kanilang ikinabubuhay ay nakasalalay sa karagatan.

Sa pag-aaral na isinagawa ng John J. Carroll Institute on Church and Social Issues at Rare Philippines, lumabas na paunti nang paunti ang huli ng mga mangingisda sa nakalipas na dalawang dekada. Dahil dito, naging mailap ang pangingisda bilang kabuhayan sa ilang mga probinsya. Pinalalâ pa ito ng kompetisyon sa mga commercial fishing vessels. At dahil patuloy din ang paggamit ng ilan ng iligal na pamamaraan ng pangingisda, nasira na ang yamang dagat, na nagresulta sa mas kaunting huli at mas kakarampot na kita. Ayon sa mga maliliit na mangingisda, naging banta sa kanilang huli at kabuhayan ang iligal na pangingisda ng mga commercial fishing vessels sa loob ng municipal waters. Nagdulot din ito ng malaking epekto sa kalusugan ng mga bakawan at pagkasira ng marine ecosystem.

Bagamat may eksklusibong karapatan sa 15 kilometrong katubigan mula sa coastline ang maliliit na mangingisda, dama pa rin nila ang pagkabawas ng kanilang huli at kita dahil hindi lubusang naipatutupad ang mga batas. Mayroon pang nakahain ngayong House Bill No. 7853 na magpapahintulot sa mga commercial fishing vessels na mangisda sa loob ng municipal waters. Patitindihin nito ang kompetisyon sa pagitan ng mga maliliit na mangingisda at mga fishing vessels na may kapasidad manghuli ng mas maraming isda. Misulang “tira-tira” na lamang ang maiiwan sa mga maliliit nating mangingisda. Kapag maisabatas ito, mababalewala ang ilang taáng pagsisikap ng mga lokal na mangingisda sa pagprotekta ng kanilang mga karagatan. Mawawalan ng saysay ang sama-samang pagpupursigi at sakripisyo ng maliliit na mangingisda na ibalik ang kanilang masaganang huli.

Malinaw sa Saligang Batas ng 1987 na tungkulin ng Estadong protektahan ang karapatan ng maliliit na mangingisda bilang mga may natatanging karapatang pakinabangan ang likas-yaman sa ating mga dagat. Sinasalamin nito ang sinasabi sa apostolic exhortation ni Pope Francis na Evangelii Gaudium na responsibilidad ng Estado na pangalagaan at itaguyod ang kabutihan ng lahat ng miyembro ng lipunan, kabilang ang mga mangingisda.

Mga Kapanalig, sa pagtalakay sa House Bill No. 7853, pakinggan nawa ng mga mambabatas ang hinaing at panawagan ng mga bulnerableng mangingisda. Mahalagang maging bahagi sila ng mga konsultasyon, at isaalang-alang ang kanilang mga rekomendasyon para sa tunay na rehabilitasyon ng karagatan at katiyakan natin sa pagkain. Mahalagang paalala sa ating mga pinuno ang nasasaad sa Mga Kawikaan 31:8-9: “Ipagtanggol ang mga ‘di makalaban, ipaglaban ang kanilang karapatan… at igawad ang katarungan sa api at mahirap.”

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 25,575 total views

 25,574 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Hindi sapat ang kasikatan

 32,911 total views

 32,911 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »

Deserve ng ating mga teachers

 40,225 total views

 40,225 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »

Makinig bago mag-react

 90,546 total views

 90,546 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »

Protektahan ang mga mandaragat

 100,023 total views

 100,022 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 25,576 total views

 25,576 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang kasikatan

 32,912 total views

 32,912 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Deserve ng ating mga teachers

 40,227 total views

 40,227 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makinig bago mag-react

 90,548 total views

 90,548 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga mandaragat

 100,024 total views

 100,024 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 76,631 total views

 76,631 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

18,271 positions

 82,890 total views

 82,890 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iligtas ang mga bata

 97,207 total views

 97,207 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online.  Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaya ng mga pinatay na magulang at kanilang naulila

 82,574 total views

 82,574 total views Mga Kapanalig, sa Mga Kawikaan 26:27, mababasa natin ito: “Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.” Hindi bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang tinatawag sa ibang paniniwala na karma. Ang alam natin, gaya ng ipinahihiwatig ng binasa nating teksto mula sa Mga Kawikaan, ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Serbisyo, hindi utang na loob

 70,165 total views

 70,165 total views Mga Kapanalig, sa kanyang birthday noong ika-13 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na naglaan ang kanyang opisina ng mahigit 300 milyong pisong pondo para gawing libre ang mga serbisyo sa mga pampublikong tertiary hospitals. Dito sa Metro Manila, isa sa mga ospital na ito ang Philippine General Hospital o PGH,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tao ang sentro ng trabaho

 82,767 total views

 82,767 total views Mga Kapanalig, kayo ba ay manggagawa o empleyado? Tuwing malakas ang ulan, bumabagyo, o bumabaha sa mga daanan, naiisip rin ba ninyong sana, katulad ng mga estudyante, wala rin kayong pasok sa inyong pinagtatrabahuhan? Noong kasagsagan ng uláng dala ng Bagyong Enteng at ng hinila nitong habagat, may isang netizen na nagsabing “’pag

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Katarungan para sa mga katutubo ng Bugsuk

 78,080 total views

 78,080 total views Mga Kapanalig, may panawagan si Ka Jomly Callon, lider ng tribong Molbog mula sa Bugsuk Island sa bayan ng Balabac sa Palawan: “Ang kalaban po namin dambuhala, e kami po, mga katutubo lang. Sana po maging patas po ang gobyerno para sa amin.” Itinuturing ang ilang bahagi ng Bugsuk na lupaing ninuno o

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunnel of friendship

 83,013 total views

 83,013 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teenage pregnancy

 133,573 total views

 133,573 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 138,732 total views

 138,732 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top