Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi nag-iisa si Reymark

SHARE THE TRUTH

 257 total views

Mga Kapanalig, nag-viral sa social media noong nakaraang linggo ang kuwento ng batang si Reymark Mariano. Sa edad na sampu, nag-aararo na siya ng dalawang ektaryang bukirin sa Sultan Kudarat. Ang nakahahabag niyang pahayag, “Maliit pa ako, ganito na ang trabaho ko. Napapagod na po akong mag-araro. Pero sige lang, kakayanin ko para sa pamilya ko.” Sinong may matigas na puso ang hindi mahahabag sa mga salitang ito ng isang musmos?

Dahil hindi na niya kasama ang kanyang ina at ama, katulong si Reymark ng kaniyang lolo sa pag-aararo at pag-aani sa bukid. Batid ng kanyang lolo ang nakakaawang kalagayan ni Reymark. Sa halip na siya ay naglalaro at tinatamasa ang kanyang pagkabata, nagbabanat siya ng buto at minsan pa nga ay nasusugatan ang kanyang murang katawan. Pagkatapos ng paglabas ng kanyang kuwento sa isang programa sa telebisyon, nakatanggap si Reymark at ang kanyang pamilya ng tulong mula sa iba’t iba ahensya ng gobyerno. Binigyan siya ng DSWD ng mga gamit sa pag-aaral at groceries. Mga fertilizer naman ang galing sa Department of Agriculture. Nakatanggap din ng gamot ang kanyang lolo at lola. Ikinatuwa ang mga ito ni Reymark, at nagpasalamat siya sa napakalaking tulong na natanggap nila.

Ngunit hindi nag-iisa si Reymark. Halos isa sa bawat isang sampung batang 5 hanggang 14 na taóng gulang ang kinakailangan nang magbanat ng buto. Karamihan sa kanila ay katulad ni Reymark na nagtatrabaho sa mga bukid. Samantala, apat sa bawat sampung bata naman ay sa sektor ng pagseserbisyo at nagtatrabaho bilang mga kasambahay o  nangangalakal. Bagamat pirmado ng pamahalaang Pilipinas ang mga pandaigdigang kasunduan ukol sa pagbibigay-proteksyon sa mga bata laban sa child labor at itinatakda ng ating batas ang 15 taóng gulang bilang pinakamababang edad upang ligal na makapagtrabaho ang isang indibidwal, hindi pa rin naiiwasan ang mga katulad ni Reymark na napipilitang magtrabaho dala na rin ng kahirapan.

Idineklara ng United Nations ang taóng 2021 bilang International Year for the Elimination of Child Labor. Hinihimok nito ang mga bansa sa buong mundo na patatagin ang kanilang mga patakaran at programang layong iwasan at tapusin ang pinakamalalalang anyo ng child labor. Tinatawag din ang pansin ng iba’t ibang sektor, katulad ng business sector at civil society, upang makiisa sa layuning ito. Mahalaga ang panawagang ito lalo na’t mula nang magsimula ang pandemya noong nakaraang taon, dumami ang mga batang napilitang magtrabaho upang tulungan ang mga magulang nilang nawalan ng trabaho. Ayon sa mga pag-aaral, sa bawat isang porsyentong pag-akyat ng kahirapan sa mga bansa, halos isang porsyento rin ang pag-akyat ng bilang mga batang nagtatrabaho.

Ang pagkahabag na ating naramdaman sa kuwento ni Reymark ay nagpapaalala sa ating tayong mga nakatatanda ay tumatayong mga magulang sa bawat batang Pilipino. At sabi nga sa 2 Corinto 12:14, “Ang mga magulang ang dapat mag-impok para sa mga anak, at hindi ang mga anak para sa mga magulang.” Tayong mga nakatatanda ang may responsibilidad na magtrabaho para sa kapakanan ng mga bata. Dagdag pa ni Pope Leo XIII sa kaniyang encyclical na Rerum Novarum, ang trabahong nararapat sa mga nakatatanda ay hindi dapat inaasahan o ipinapasa sa mga bata. Kinakailangan ang ibayong pag-iingat dahil ang kanilang mga katawan at pag-iisip ay nasa estado pa ng pag-unlad.

Mga Kapanalig, hindi nag-iisa si Reymark sa pagpasan sa kalagayang nagtutulak sa mga batang katulad niyang magtrabaho. Para sa mga batang katulad ni Reymark na sa halip na naglalaro at nag-aaral, hindi sapat ang minsanang tulong. Karapat-dapat silang bigyan ng pantay na pagkakataon sa buhay. Huwag nating hayaang nakawin ng kahirapan at maagang pagbabanat ng buto ang pagkabata ng milyun-milyong batang Pilipino.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 27,722 total views

 27,722 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Hindi sapat ang kasikatan

 35,058 total views

 35,058 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »

Deserve ng ating mga teachers

 42,373 total views

 42,373 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »

Makinig bago mag-react

 92,694 total views

 92,694 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »

Protektahan ang mga mandaragat

 102,170 total views

 102,170 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 27,723 total views

 27,723 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang kasikatan

 35,059 total views

 35,059 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Deserve ng ating mga teachers

 42,374 total views

 42,374 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makinig bago mag-react

 92,695 total views

 92,695 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga mandaragat

 102,171 total views

 102,171 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 76,816 total views

 76,816 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

18,271 positions

 83,075 total views

 83,075 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iligtas ang mga bata

 97,392 total views

 97,392 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online.  Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaya ng mga pinatay na magulang at kanilang naulila

 82,759 total views

 82,759 total views Mga Kapanalig, sa Mga Kawikaan 26:27, mababasa natin ito: “Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.” Hindi bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang tinatawag sa ibang paniniwala na karma. Ang alam natin, gaya ng ipinahihiwatig ng binasa nating teksto mula sa Mga Kawikaan, ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Serbisyo, hindi utang na loob

 70,350 total views

 70,350 total views Mga Kapanalig, sa kanyang birthday noong ika-13 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na naglaan ang kanyang opisina ng mahigit 300 milyong pisong pondo para gawing libre ang mga serbisyo sa mga pampublikong tertiary hospitals. Dito sa Metro Manila, isa sa mga ospital na ito ang Philippine General Hospital o PGH,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tao ang sentro ng trabaho

 82,952 total views

 82,952 total views Mga Kapanalig, kayo ba ay manggagawa o empleyado? Tuwing malakas ang ulan, bumabagyo, o bumabaha sa mga daanan, naiisip rin ba ninyong sana, katulad ng mga estudyante, wala rin kayong pasok sa inyong pinagtatrabahuhan? Noong kasagsagan ng uláng dala ng Bagyong Enteng at ng hinila nitong habagat, may isang netizen na nagsabing “’pag

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Katarungan para sa mga katutubo ng Bugsuk

 78,265 total views

 78,265 total views Mga Kapanalig, may panawagan si Ka Jomly Callon, lider ng tribong Molbog mula sa Bugsuk Island sa bayan ng Balabac sa Palawan: “Ang kalaban po namin dambuhala, e kami po, mga katutubo lang. Sana po maging patas po ang gobyerno para sa amin.” Itinuturing ang ilang bahagi ng Bugsuk na lupaing ninuno o

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunnel of friendship

 83,198 total views

 83,198 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teenage pregnancy

 133,758 total views

 133,758 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 138,917 total views

 138,917 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top