300 total views
Nilinaw ni Apostolic nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown na ang Santo Papa ang may kapangyarihan na pumili at magluklok ng bagong Obispo ng simbahan.
Ayon kay Archbishop Brown, bahagi ng kanyang tungkulin bilang kinatawan ng Vatican ay ang magmungkahi ng mga pagpipilian ni Pope Francis matapos ang masusing pag-aaral at konsultasyon.
“A nuncio is the pope’s representative and he organizes and runs the process that results in the appointment of bishops by the Pope. The nuncio, when a diocese is vacant as Manila was the nuncio would do a lot of consultation, investigation of possible candidates for the position. And develops after a lot of work and consultation, we develop a list of candidates,” ayon kay Archbishop Brown.
Ipinaliwanag ng nuncio na nanatili ang panuntunan ng Santo Papa sa pagpili ng Obispo na pinunong kumikilala at kilala ng kanyang kawan na nagtataglay ng malalim na pananampalataya sa Panginoon.
“Pope Francis has famously said he wants bishops with the smell of the sheep. What was that mean? A bishop that is close to the people, who know their people and known by their people. And obviously he is looking for a man with deep faith and holiness,” paliwanag ni Archbishop Brown sa Pastoral Visit on-the-air ng Radio Veritas.
Makaraan ang isang taon, hinirang ni Pope Francis ang kaniyang kabunyian Jose Cardinal Advincula bilang arsobispo ng Maynila na nakatakdang ilulok sa June 24 sa Manila Cathedral.
Sa kasaluyan, may limang diyosesis pa sa Pilipinas ang nanatiling sede vacante, ito ay ang mga diyosesis ng Alaminos at Malaybalay; arkidiyosesis ng CApiz at Apostolic Vicariates ng San Jose Mindoro at Taytay Palawan .
Pananampalataya sa kabila ng pandemya
Umaasa din ang kinatawan ng Santo Papa Francisco na sa lalung madaling panahon ay matatapos na ang pandemya.
Ito ay upang lubos na maipagdiwang ng mga mananampalataya ang iba’t ibang tradisyon na bahagi rin ng maalab na pananampalataya ng mga Filipino.
Ayon kay Archbishop Brown, sa kabila ng mga paghihigpit ay ikinagagalak niya ang pagdalo sa mga pagdiriwang kabilang na ang 500 years of Christianity sa Cebu at ang paggunita sa naganap na unang pagbibinyag sa bansa.
“It was fantastic to see the faith of the people,” ayon pa kay Archbishop Brown.
Ikinagagalak din ng kinatawan ng Santo Papa na masaksihan ang pananampalatayang Filipino sa mga pagdalo sa iba’t ibang pista at pagdiriwang sa mga lalawigan sa bansa.