376 total views
Opisyal ng ilulunsad ng Commission on Elections ang panibagong mobile application ng komisyon na naglalayong higit na mapabilis ang kasalukuyang voters’ registration na isinagasagwa ng ahensya.
Ayon kay COMELEC Commissioner Marlon Casquejo na siyang nangasiwa sa pagbubuo ng nasabing proyekto, layunin ng Mobile Registration Form App ng COMELEC na higit na mapabilis ang proseso ng pagpaparehistro ng bagong botante at dagdag na pag-iingat na rin lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Ipinaliwanag ng opisyal na maaring magamit ang Mobile Registration Form App kahit walang data o internet ang isang mobile user kung saan hindi na rin kinakailangan pang i-print ang form.
“The launch of the mobile app is very timely in the face of mobility restrictions brought about by the COVID-19, because you will only need a smmartphone to accomplish the form. This will save time, effort and money that will otherwise be spent on going to a computer shop to download and print the form, or getting the form at the local COMELEc to fill it out manually.”pahayag ni Casquejo.
Ipinaalala ni Casquejo na matapos mapunan ang mga kinakailangang detalye ng mga botante ay magkakaroon ng QR Code ang bawat isa na kinakailangang i-save ng mga magpaparehistro at kinakailangang ipakita sa mga tanggapan ng COMELEC kung saan naman kukunin ang biometrics.
“A QR Code is generated upon successful accomplishment of the form. You must save the QR Code on your smartphone, and afterwards, you may visit your local COMELEC office to have your QR Code scanned and your biometrics taken.” Paliwanag ni Casquejo.
Dahil dito, tanging valid ID at QR Code lamang mula sa Mobile Registration Form App ang kinakailangang dalhin ng mga magpaparehistro sa tanggapan ng COMELEC.
Una ng nagsagawa ng pilot testing ng Mobile Registration Form App ang COMELEC sa may 500 piling syudad at munisipalidad sa bansa kabilang na sa National Capital Region (NCR), Cebu City at Davao City.
Samantala, patuloy naman ang panawagan at kampanya ng Simbahang Katolika upang maisulong ang kasalukuyang voters’ registration partikular na sa mga kabataan upang makalahok sa nakatakdang halalan sa susunod na taon.