404 total views
Naniniwala si Archdiocese of Manila Administrator Bishop Broderick Pabillo na hindi dapat maliitin ang mga mahihirap sapagkat malaki ang kanilang naia-ambag sa ating lipunan.
Ayon kay Bishop Pabillo, maraming aral at inspirasyon ang ating makukuha mula sa mga dukha bagamat sila sa ay salat sa materyal ng bagay. Paniwala ng Obispo kahit ang pinakamahirap na indibidwal ay may kakayanan na magbigay o magbahagi ng anuman para sa kanyang kapwa basta’t ito ay bukal sa puso at malinis ang hangarin.
“There is nobody that is so poor that he has nothing to give kahit kahit ang mga mahihirap kaya nila magbigay.” Paliwanag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radyo Veritas.
Ibinihagi din ni Bishop Pabillo na kasabay ng ating pagdiriwang sa ika-500 taon Kristiyanismo sa Pilipinas ay ating ginugunita ang ika-30 taon ng Second Plenary Council of the Philippines o PCP 2 kung saan inihayag ng Simbahang Katolika sa Pilipinas na ito ay simbahan para sa mga mahihirap o ‘ Church of the Poor’.
“Ngayon pinagdiriwang natin ang 500 years inaalala din natin ang 30 years ng PCP 2 at ang PCP 2 na nagsimula ng 1991 ay itinalaga na tayo ay Church of the Poor at bahagi nga ng Church of the Poor na hindi lang tutulungan ang mga mahihirap ngunit ang evangelization ay nangaggaling din sa mga mahihirap natututo din tayo sa mga mahihirap at ang mga mahihirap ay nakakatulong din sa bansa” dagdag pa ng Obispo.
Umaasa si Bishop Pabillo na patuloy pang palalakasin ng Simbahang katolika ang mga pagmimisyon na ginagawa nito upang lalo pang makatulong sa mga mahihirap.
Aminado siya na sa kabila ng mga suliranin na kinakaharap ng marami dahil sa pandemya ay patuloy na magiging katuwang ng Simbahanag katolika ang mga mananamplataya sa pagmimisyon nito na makatulong sa iba.
“Ibig sabihin kung tayo ay patuloy na tumutulong sa kapwa nandiyan po maibibigay natin ang tulong natin sa pamamagitan nito hirap tayo pero isipin natin may mga taong mas hirap pa sa atin at kahit hirap tayo may maiiambag pa din tayo sa ibang tao.”
Batay sa tala ng World Bank umaabot sa 18.7 percent ang poverty incident sa Pilipinas habang nasa 3.4 percent ang unemployment rate noong taong 202 ayon naman Asian Development Bank.
Ang Simbahang katolika sa Pilipinas ay patuloy na nagiging aktibo upang makatulong sa mga mahihirap na pamilya sa pamamagitan ng mga institusyon tulad ng mga Caritas Network at iba’t-ibang foundation at kongregasyon sa bansa.