473 total views
Binigyang diin ng NASSA/Caritas Philippines na ang Social Action Center ng bawat diyosesis ang dapat na manguna sa pakikibahagi ng Simbahan para sa paghahanda sa nakatakdang halalan sa susunod na taon.
Ito ang inihayag ni Rev. Fr. Antonio Labiao Jr. – Executive Secretary ng social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa naganap na Social Action Network (SAN) Good Governance Webinar series on Voter’s Registration – a duty and a call for responsible citizens.
Ayon sa Pari, ang mga Social Action Director katuwang ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa iba’t ibang diyosesis ang dapat na manguna sa pagsasagawa ng mga programa at mga aktibidad bilang paghahanda para sa nakatakdang halalan.
Paliwanag ni Fr. Labiao, mahalagang mapangasiwaan ng mga Social Action Center ang aktibong pakikibahagi ng mga mananampalataya sa bawat diyosesis upang matiyak ang maayos, matapat at malinis na halalan sa susunod na taon.
“Para sa ating Social Action Center, let us remember that our electoral engagement in the church should be the work of Social Action Center that’s very important to know, now PPCRV is there in our diocese help us, PPCRV and the people are our partners but hopefully with the leadership of the Social Action Center from the Social Action Director down to the volunteers can mobilized the whole diocese.” pahayag ni Fr. Labiao
Iginiit ng Pari na mahalaga ang nakatakdang halalan sa susunod na taon kaya’t napakahalaga ng partisipasyon ng lahat sa nakatakdang halalan.
Pagbabahagi ni Fr. Labiao na malaki ang maaring maging ambag ng mga kabataan partikular na ang mga first time voters para sa nakatakdang halalan kaya’t mahalaga na mahikayat ang mga ito na magparehistro kasama ang mga botanteng kabilang sa nadeactivate dahil sa hindi pakikibahagi sa mga nakatakdng halalan.
“Young people can be game changer in this election so we cannot engage them unless they are registered, we cannot also engaged many people who are deactivated, so sa akin parang magandang ginawa muna natin is to focus ourselves in helping people to register, mahalaga ang kanilang pagboboto but first they have to register.” Dagdag pa ni Fr. Labiao.
Batay sa opisyal na tala ng Commission on Elections (COMELEC), umabot sa mahigit 4.8-milyon ang bilang ng mga nagparehistro na first-time voters kabilang na ang nasa 500-libo na mga reactivated voters na karamihan ay nagpatala ngayong buwan ng Hunyo.