460 total views
Pinangunahan ni Diocese of Borongan Bishop Crispin Varquez ang pagdiriwang sa Silver Jubilee o ang ika-25 taong pagkakatatag ng Nativity of Our Lady College Seminary (NLCS) sa diyosesis.
Ayon sa Obispo, maituturing na biyaya ang pagkakatatag ng seminaryo sa diyosesis 25-taon na ang nakakalipas na nagsilbing mahalagang instrumento sa pagpapalago ng binhi ng priestly vocation sa diyosesis magpahanggang sa ngayon.
Ipinaliwanag ni Bishop Varquez na mahalagang alalahanan at bigyang pagkilala ang determminasyon ng lahat ng mga nagsumikap na maitayo at mapalago ang seminaryo sa pangunguna na rin ng ika-limang Obispo ng Diyosesis ng Borongan na si Bishop Leonardo Medroso.
“We look back at the past 25 years of the seminary with joy and gratitude. We remember how Bishop Leonardo Medroso, the clergy, and the lay faithful had come together to put up and build the seedbed of our priestly vocation, our college seminary in the year 1996. We remember the pangs of giving birth to this institution, and how the Lord sustained it through the years. We remember all formators past and present, alumni, parents, personnel, and benefactors for their dedication in this noble task of priestly formation. ” Ang bahagi ng mensahe ni Borongan Bishop Crispin Varquez.
Pagbabahagi ng Obispo, mula ng maitatag ang seminaryo noong June 23, 1996 ay umaabot na sa 34 na mga pari at 2 diyakono ang matagumpay na nagsipagtapos sa nasabing seminaryo na sa kasalukuyan ay aktibong naglilingkod at nagbabagi ng kanilang serbisyo sa diyosesis.
Ito ayon kay Bishop Varquez ang isa sa patunay sa naging paggabay ng Panginoon upang ganap na magampanan ng seminaryo ang tungkulin nitong palaguin at palaganapin ang binhi ng bokasyon sa diyosesis at mga karatig lugar.
“Since its inception in June 23, 1996, NLCS has produced 34 priests and 2 deacons who are now serving in our diocese. This is a testament how the Lord of the harvest blesses the soil and how he nurtures the seeds of vocation in every young man who enters the portals of the seminary. Our hearts have nothing but gratitude for all the fruits we have reaped.” Dagdag pa ni Bishop Varquez.
Bago maitatag ng Nativity of Our Lady College Seminary (NLCS) sa Diocese of Borongan noong 1996 ay kinakailangan pang dumayo ng mga seminarista ng diyosesis upang kumuha ng philosophical formation sa mga college seminaries sa ibang mga diyosesis sa Calbayog, Palo, Cebu, Sariaya, o kaya naman ay sa Maynila.
Tema ng pagdiriwang sa Silver Jubilee ng Nativity of Our Lady College Seminary (NLCS) ang “Forming Hearts to Spread the Faith” na hango rin sa ika-500 anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas at Diamond Jubilee ng Diocese of Borongan
Ayon kay NLCS former Rector Rev. Fr. Leroy Geli, layunin ng napiling tema ng pagdiriwang na patuloy na mapukaw ang puso ng mga kabataang naghahangad na maging tapat na lingkod ng Simbahan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng puso na tulad ng puso ni Hesus.