328 total views
Nagpaabot ng pakikiramay ang Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) sa pamilya Aquino kasunod ng pagpanaw ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III.
Ayon kina AMRSP Co-Chairpersons Sr. Marilyn A. Java, RC at Fr. Cielito R. Almazan, OFM kaisa ng buong bansa ang AMRSP sa pagluluksa sa pagpanaw ng dating Panguloy Noynoy na nakilala bilang PNoy.
Pagbabahagi ng AMRSP, hindi malilimutan ng mga religious men and women at mga consecrated persons sa bansa ang magandang samahan at pakikitungo ng dating Pangulo sa mga lingkod ng Simbahan gayundin pakikiisa nito sa pagsusulong ng common good sa pamamagitan ng pagpapatatag ng demokrasya at pagpapaunlad ng ekonomiya para sa kapakanan ng mas nakararami.
“On behalf of the Joint Executive Board and our member congregations and institutes, we wish to unite our voices with the whole nation in mourning the passing away of Former President Benigno S. Aquino III. Many of us, religious and consecrated persons, will treasure not only the friendship that we had with President Aquino and his family, but also our mutual esteem for one another, borne out of our common goal of strengthening democracy and uplifting those in the fringes of Philippine society.” Ang bahagi ng pahayag ng AMRSP.
Paliwanag ng AMRSP, hindi matatawaran ang pagbibigay halaga ng dating Pangulong PNoy sa kontribusyon at mahalagang papel na ginagampanan ng mga consecrated men and women sa pagpapanatili ng demokrasya sa bansa.
Inalala rin ng AMRSP ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng administrasyong Aquino sa assosasyon at sa iba’t ibang kongregasyon kaugnay sa iba’t ibang mga usaping panlipunan na dapat matutukan sa bansa.
“President Aquino often acknowledged the important contributions of consecrated men and women in keeping the flame of democracy alive, especially during the Martial Law period. On our part, we remember with appreciation the opportunities for dialogue and collaboration that we, as an Association, and as individual congregations and consecrated persons, had with him and his administration on many key social issues.” Dagdag pa ng AMRSP.
Tiniyak naman ng AMRSP, ang patuloy na pananalangin hindi lamang para sa ikapapayapa ng kaluluwa ni dating Pangulong Noynoy Aquino kundi maging para sa katatagan ng loob ng kanyang mga naiwang mahal sa buhay.
Ayon sa pamilya Aquino, pumanaw ang dating pangulo ganap na alas-sais y medya ng umaga ng Huwebes ika-24 ng Hunyo, 2021 dahil sa renal disease secondary to diabetes.