296 total views
Ipinagpasalamat ni Davao Archbishop Romulo Valles na nakabalik na sa normal ang pamumuhay at seguridad sa kanilang lugar matapos ang madugong pagpapsabog noong nakaraang linggo.
Ayon kay Archbishop Valles, tahimik at kalmado na ang sitwasyon sa Davao kahit patuloy ang pagkakaroon ng mga checkpoints.
Inihayag ng Arsobispo na ito ay dahil sa malaking tiwala ng mga tao sa pamumuno ng kanilang local government at maging sa mga otoridad.
“Last Sunday there is a slight decrease of people coming to the mass, understandable, but as publicized also we have beautiful mass the day after the bombing, and easily and quickly I can say it is very calm in Davao. There are many checkpoints but I can say quickly it’s becoming normal now.” pahayag ni Archbishop Valles sa Radio Veritas.
Inihayag ng Arsobispo na bibisitahin ng Archdiocese of Davao ang lahat ng pamilya ng mga naging biktima upang damayan sila sa kanilang dinanas na sakuna .
“We will try to do something, we’re going to do rounds for the victims family.” pahayag ng Arsobispo.
Sa pinakahuling tala, 14 katao ang namatay at 68 ang nasugatan sa pagpapasabog sa na unanang inako ng bandidong Abu Sayyaf.