449 total views
Nagbabala ang Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardiinal Tagle – Prefect of the Congregation of the Evangelization of People kaugnay sa inggit na nagsisilbing daan para sa kamatayan sa daigdig.
Ayon sa opisyal ng Vatican, dahil sa inggit ng demonyo ay nakapasok ang kamatayan sa daigdig at sinira ang ugnayan ng Diyos sa tao na tinatawag na buhay.
Inihayag ng Cardinal na nagsisimula ang inggit sa hindi pagpapahalaga sa pambihirang regalo o biyaya ng Panginoon at pagkukumpara sa biyayang natatanggap ng kapwa na maituturing na isang alagad ng kamatayan. Pagbabahagi ni cardinal Tagle, maiiwasan lamang ang inggit sa pamamagitan ng higit na pagtutok at pagpapahalaga sa natatanggap na biyaya mula sa Panginoon at hindi pagkukumpara nito sa natatanggap ng iba.
“Beware of envy, when envy starts death starts moving, and why do we become envious? Because we do not appreciate the gift that we have receive we see the gift of others [and think] why does she have that not me? Why does he have that and I don’t have it? Look at what God has given you and then you don’t get envy, you appreciate your gift and your life but without this appreciation we become envious and before we know it we become agents of death, ang mga mainggitin ay maninira din.” mensahe ng Kanyang Kabunyian.
Iginiit ng Cardinal na ang lahat ay pinagkalooban ng pambihirang regalo at biyaya ng Panginoon na dapat na ipagpasalamat at pahalagahan sa halip na ikumpara sa kapwa na hindi kailanman ninanais ng Panginoon.
“We are all been given a gift, we are all related to God so live and when you see other gifted rejoice, that means they are alive in the hands of God and do not be envious for envy is the door for the entry of death and that’s not what God desires.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.
Samantala, muli namang nanawagan ang Cardinal sa mga magulang kaugnay sa pagtataguyod ng pamilya na hindi lamang nakabatay sa makamundong mga pangangailangan tulad ng pagkain, matutuluyan at edukasyon kundi lalo’t higit sa pagtataguyod ng buhay pananampalataya.
“To the parents lalo na sa mga magulang dapat naman po na itaguyod natin ang buhay ng ating mga anak at pamilya, tamang pagkain, maayos na bahay, edukasyon kasama po yan sa buhay yung kalusugan nila pero kulang pa yan kapag hindi natin ginawang buhay ang pananampalataya.” paalala ni Cardinal Tagle.
Ayon sa Cardinal, bukod sa biyaya ng buhay na ipinagkakaloob ng Panginoon, nagmumula rin sa matatag na pananampalataya ang lakas na kinakailangan ng bawat isa sa pagharap sa mga hamon ng buhay.