333 total views
Ang pagiging alagad ng Panginoon ng bawat binyagan at lingkod ng Simbahan ay hindi lamang dapat na para sa katuparan ng pansariling kapanatagan.
Ito ang paalala ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle – Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples kaugnay sa pagiging Kristiyano.
Ayon sa Cardinal, ang paglilingkod at pagkakaroon ng malalim na pananampalataya sa Panginoon ay dapat na ituring na isang pambihirang biyaya na nagsisilbing gabay sa pagkakaroon ng maayos na pamumuhay.
“For all the baptize, for all your day, for all the religious we are followers of Christ not because we want just to enjoy ourselves and to find a form of self fulfilment where I am affirmed, where what I want I get, no. Our following of Christ and our assumption of mission simply rest on the grace of the Lord, it all started with His grace, the misterious grace it has choosen us and it is the power of that grace that will sustain us,” pahayag ni Cardinal Tagle.
Paliwanag ng Cardinal, dapat na tuwinang magalak ang bawat isa maging sa kabila ng anumang kahinaan o mga pagsubok sa buhay.
Sinabi ni Cardinal Tagle na higit na makapangyarihan ang pag-ibig ng Panginoon kaya naaangkop lamang na tuwinang panghawakan ang kaloob na biyaya ng Panginoon at magtiwala sa misyong iniatang sa Diyos sa buhay ng bawat isa.
Iginiit ng Cardina na sa ganitong paraan lamang tunay na masusumpuan at mararanasan ang biyaya ng Panginoon para sa buhay ng bawat isa.
“Let us be joyful that even in our weakness, even in the non-acceptance of us as bearer of the word we have Jesus who is with us and His power is with us but we make sure we check our motivations so that His grace will work truly, genuinely and powerfully,” dagdag pa ni Cardinal Tagle.