366 total views
Ikinalungkot ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagbagsak ng C-130 plane ng Philippine Airforce sa Jolo Sulu.
Sa pahayag ni CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles, tiniyak nito ang pakikiisa at pakikiramay sa naiwang pamilya ng mga nasawing mga sundalo.
“It is with great sadness that we, your bishops, received the news of the crash of a C-130 aircraft in Jolo, Sulu; As your pastors, we share the pain of loss that this recent news has brought us. We condole with the families and friends of the several soldiers and civilians who were killed by the crash,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Valles.
Sa pahayag ng Armed Forces of the Philippines, sakay ng bumagsak na C-130 aircraft ang mga indibidwal na katatapos lamang sa kanilang training sa Cagayan De Oro.
Bukod dito, dalangin din ng CBCP ang dagliang paggaling ng mga survivor sa plane crash na kasalukuyang ginagamot sa iba’t ibang pagamutan sa Mindanao.
“To our merciful Lord we commend the souls of our departed soldiers, and we invoke His healing hands upon those who have survived and who have sustained injuries,” ani ng arsobispo.
Sa pinakahuling ulat ng AFP, umabot na sa 52 ang nasawi sa insidente kung saan 49 ang mga sundalo habang tatlo naman ang sibilyan.
Nanatilli naman sa 47 sundalo ang labis na napinsala at apat na sibilyan ang kasalukuyang ginagamot sa mga pagamutan.
Panawagan ng CBCP sa mamamayan na magkaisang manalangin para sa katatagan ng bawat isa lalo na sa pamilya ng mga biktima.
“We enjoin all our sisters and brothers – Christians, Muslims, as well as all people of good will – to continue to be united – in solidarity and prayer – with the search and retrieval team of our armed forces, those who are recovering in hospitals, and the families of the deceased,” dagdag pa ni Archbishop Valles.
Nauna nang nagpaabot ng panalangin at nag-alay ng Banal na Misa ang Military Ordinariate of the Philippines sa pangunguna ni Bishop Oscar Jaime Florencio para sa mga biktima ng C-130 plane crash.