421 total views
Nag-alay ng panalangin ang Diocese of Ilagan bilang paggunita sa ika-sampung taong kamatayan ni Bishop Miguel Gatan Purugganan na 25-taong nagsilbing Obispo ng diyosesis mula taong 1974 hanggang 1999.
Nakilala si Bishop Purugganan sa kanyang masidhing pagsusulong ng karapatang pantao sa bansa lalo na sa panahon ng rehimeng Marcos.
Kilala sa taguri bilang Apung Mike ng mga Pari sa Diyosesis ng Ilagan, isa si Bishop Purugganan sa tinaguriang “Magnificent Seven” o pitong Obispo na mariing kinundina ang Batas Militar na nagdulot ng maraming mga kaso ng pang-aabuso at paglabag sa karapatang pantao sa bansa.
“His most significant contribution as church leader rose from his involvement in social action work and his determined defense of human rights under the brutal Marcos regime. This was at a time when his country in general, and his diocese in particular, was wracked by fear and uncertainty, as a result of martial law. Popularly called Bishop Mike in his diocese and Apung Mike by his priests, Bishop Purugganan is remembered as one of seven bishops who denounced martial law and the Marcos dictatorship when the regime was just beginning. This earned the bishops the tag the “Magnificent Seven.”” ang bahagi ng pagbabalik tanaw ng Diyosesis ng Ilagan.
Si Bishop Purugganan din ang isa sa mga nagtatag ng Basic Christian Communities – Community Organizing (BCC-CO) program na higit na nagpalakas sa mga mananampalataya sa bawat parokya upang makibahagi sa mga gawaing pansimbahan kasabay ng pagtutol sa kawalan ng katarungan sa lipunan.
Matapos ang 25-taon paglilingkod bilang Obispo ng Diyosesis ng Ilagan mula January 21, 1974 ay nagretiro si Bishop Purugganan noong July 26, 1999 at pumanaw noong July 7, 2011 matapos na mastroke.