392 total views
Hindi nararapat na isasantabi ang paggalang sa karapatang pantao sa pagsugpo ng ilegal na droga sa bansa.
Ito ang paninindigan ni Father Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Permanent Committee on Public Affairs sa isinusulong na suspension ng writ of habeas corpus.
Ayon kay Father Secillano, pinaniniwala ng gobyerno ang mga tao na ang tanging daan upang matugunan ang problema sa ilegal na droga sa bansa ay sa pamamagitan ng pag-aalis ng ating depensa laban sa mga pang-aabuso at impunity.
“Have we run out of effective options to combat the drug problem that we are going to give up our human rights? We are being made to believe that the only way to address the drug problem is to take away our only defense against possible abuses and impunity. While we recognize the menace that drugs have brought to our society, does that justify surrendering our basic rights just so they can put the country in order?” pahayag ni Father Secillano sa Radio Veritas.
Iminungkahi ng pari sa pamahalaan na resolbahin ang problema ng bansa sa ilegal na droga sa pamamagitan ng legal na paraan, pagsasaalang sa tama, makatwiran at makatarungang pamamaraan.
“Let’s do things not only the legal way, but let’s also employ the right, just and ethical means to solve our problems,”pahayag ni Father Secillano sa Radio Veritas.
Isa sa dahilan ng pagsusulong ng suspension ng writ of habeas corpus sa Senado ay para palawakin pa ang sakop ng idineklarang national state of emergency kasunod ng Davao bombing at patuloy na pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na dorga.
Sa datos ng Commission on Human Rights as of August 31, 2016 ay pumalo na sa 2,448 ang nasawi sa war on drugs ng pamahalaan.
Sa nasabing bilang, 930-katao ang napatay sa lehitimong police operations habang 1,507 ang napatay ng hindi pa kilalang attackers at 10-police naman ang namatay sa drug operations.