507 total views
Hinikayat ng kinatawan ng Vatican ang mga Filipino nang patuloy na panalangin para sa agarang paggaling ng Santo Papa Francisco.
Si Pope Francis ay nanatiling nasa Gemelli Hospital makaraang operahan noong Linggo dahil sa kaniyang colon diverticulitis at nanatiling nasa pagamutan upang matiyak na walang kumplikasyon.
“He is recovering, thanks be to God. But I want to ask the listeners and the faithful to pray for Pope Francis. Pray for him especially in this time that he needs our prayers,” ayon kay Archbishop Brown.
Sa pinakahuling ulat ng Holy See Press office, patuloy ang pagbuti ng kalagayan ng Santo Papa kung saan pinangunahan din ang pag-usal ng Angelus sa balkonahe ng kaniyang silid sa Gemelli Hospital.
Taong 2019 nang maoperahan ang Santo Papa dahil sa kaniyang katarata, habang ilang ulit na rin hindi nakadalo sa mga gawain sa Vatican dahil naman sa pananakit ng likod at binti dahil naman sa iniindang sciatica.
Patuloy namang nakatatanggap si Pope Francis ng mensahe at panalangin mula sa mga pinuno ng iba’t ibang bansa at mga religious community para sa kaniyang kagalingan at kalakasan.
The Kingdom of God
Si Archbishop Brown ay tuwinang panauhin ng programang Pastoral Visit on-the-air ng Radio Veritas kada buwan na ang hangarin ay higit pang mailapit ang Simbahan sa mga tagapakinig na mananampalataya.
Sa ikatlong pagbisita ni Archbishop Brown sa himpilan ay tinalakay ang tungkol sa ‘Kaharian ng Diyos’ at ang pakikiisa ng sambayanan sa misyon ni Hesus.
Panawagan ni Archbishop Brown sa bawat mananampalataya na patuloy na hangarin ang kabutihan tungo sa kabanalan at ang pagtanggap ng Eukaristiya, lalu’t ang kaharian ng Diyos ay hindi sa lupa kundi kasama sa kanyang kaluwalhatian sa langit.
“The Kingdom of God is within you, that Kingdom of God becomes stronger ang stronger and developing in you. So, it’s a very realistic sense which when we received the Sacraments the Kingdom of God is growing within us,” ayon pa kay Archbishop Brown.
Paliwanag pa ng Arsobispo na ang butil ng pananampalataya ay nasa bawat isa na kinakailangang pagyabungin tungo sa kaligtasan.
Ayon pa kay Archbihop Brown, “And when we come to the end of our lives, physical life at some point, our natural life will be finish. But the spiritual life of the eucharist which you are receiving year in and year out that will preserve us unto life eternal.”