303 total views
Suportado ng Church People – Workers Solidarity (CWS) ang pagkakahalal ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David bilang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.
Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, chairman ng grupo malaking hakbang ito upang higit na maisulong sa lipunan ang pagtataguyod sa karapatan ng mamamayan lalo na sa sektor ng mahihirap at manggagawa.
“Bishop [Pablo Virgilio] David’s election as the new CBCP president is a positive development in the light of continued attacks on the fundamental rigths of the Filipino people,” bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza.
Kilala si Bishop David na hayagang tumututol sa mga karahasan ng kasalukuyang administrasyon lalo na sa ‘war on drugs’ na nagresulta sa pang-aabuso sa karapatang pantao, kawalang katarungan at pagkasawi ng libu-libong indibidwal.
Umaasa ang CWS na higit pang paigtingin ni Bishop David ang pagsusulong sa pantay na karapatan ng mamamayan lalo na ang mga manggagawa sa lipunan na kadalasang biktima ng pang-aabuso.
Aktibo ang obispo sa paglikha ng mga programa tulad ng mga pagsasanay para sa kabuhayan ng mamamayan na makatutulong maiangat ang antas ng pamumuhay ng mahihirap na mamamayan.
Bukod pa rito ang paglikha ng labor desks sa mga parokya ng diyosesis na tumutulong sa mga manggagawang nakararanas ng pananamantala.
“Being consistently on the side of the poor and the oppressed, CWS is hopeful that Bishop David will continue his prophetic work in advocating for labor rights,” ani ng obispo.
Si Bishop David ay naihalal na pangulo ng CBCP noong Hulyo 8 sa ginanap na 122nd Plenary Assembly.
Maninilbihan si Bishop David kasama ang iba pang halal na opisyal ng CBCP sa Disyembre 1, 2021 hanggang Nobyembre 30, 2023.
Tiwala si Bishop Alminaza na mapaunlad ang pagtutulungan ng pamayanan sa pangunguna ng simbahan upang maitaguyod ang mapayapang lipunan.
“We are confident that as CBCP president, he will help CWS promote greater solidarity among Church people and workers towards a more inclusive, participatory, and prophetic church and a justand peaceful society,” dagdag pa ng obispo.