354 total views
Hinihiling ng grupong Church People-Workers Solidarity ang kaligtasan ni Bishop Broderick Pabillo sa kanyang panibagong misyon bilang bagong Apostolic Vicar ng Taytay, Palawan.
Ayon kay CWS Chairperson at San Carlos, Negros Occidental Bishop Gerardo Alminaza, ang pagkakahirang kay Bishop Pabillo ay isang magandang biyaya sa mga Palaweños upang makatuwang sa pagpapalaganap ng kapayapaan at pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.
Kilala si Bishop Pabillo bilang isa sa mga pinuno ng simbahan na magiting na itinataguyod ang karapatang-pantao at pangangalaga sa mga mahihirap, maging sa kalikasan.
“Bishop [Broderick] Pabillo is one of the most courageous voices among our Catholic leaders especially in promoting human rights and protecting the poor, the marginalized as well as our common home,” bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza.
Sa panibagong misyon ng Obispo sa Taytay, Palawan, makakasama nito sa paglalakbay ang mga mangingisda, magsasaka at mga katutubong matagal nang nakikipaglaban upang makamtan ang kapayapaan at katarungan laban sa iba’t ibang pang-uusig sa lipunan.
Una nang ibinahagi ng Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan na itinakda sa Agosto 19, 2021 ang pagtatalaga kay Bishop Pabillo bilang bagong punong pastol ng bikaryato.
Inaasahan namang sa ikalawang linggo ng Agosto ay tutungo na ang Obispo sa Palawan upang paghandaan at makipagkita sa mga pari ng bikaryato, bago ang kanyang nakatakdang installation bilang bagong Apostolic Vicar ng Taytay, Palawan