Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Message for the Installation of Bishop De Leon

SHARE THE TRUTH

 284 total views

Mga minamahal na kapatid sa panginoong Hesukristo tayo po lahat ay napupuno ng kaligayahan at nagpupuri sa Diyos sa araw na ito.

Ang pagdating ng isang obispo sa kaniyang sambayanan ay paalala sa atin na hindi tayo kinakalimutan ng Panginoon, na siyang pastol. Siya talaga ang pastol. Nagpapalit-palit ang mga obispo pero hindi nagbabago ang simbahan dahil si Hesus ang tunay na pastol.

Nagpapasalamat tayo kay Bishop Francis, sabi nga ni Archbishop Soc na nagtiwala siya at kahit kakilakilabot ay pumayag siya na maging daan, kamay at bibig at maging instrumento ng Panginoon na si Hesus sa kaniyang pagpapastol lalo na dito sa Antipolo, Bishop Francis maraming salamat ha at umattend ka sa installation mo (laughs).

Noong paupo na po sya doon (upuan) sabi ko huwag kang tatakas, iuupo muna kita umupo naman mukang enjoy enjoy na nakaupo. Darating din ang araw na tatayo ka rin diyan at may ibang iluluklok dyan, pero huwag tayong mabahala si Hesus ang Obispo, si Hesus ang nangangalaga sa kanyang simbahan kaya mahalin natin si Bishop Francis, pero hindi sya ang Diyos, hindi sya. We come and go a new priest will come and go so bring your community to Jesus for he is the one reserve because he is the true pastor.

Pero nagsasalita rin po ako dito sa ngalan ng Ecclesiastical Province of Manila, ang simbahan po kasi ay bukluran, communion. Bagamat magkakaiba at dapat naman magkakaiba, ang magkakaiba binuklod para maging iisang katawan at ang Antipolo po ang Diocese of Antipolo ay bahagi ng bukluran ng tinatawag nating Ecclesiastical Province of Manila. Kaya sa ngalan po ng 12 Dioceses kasama ang Military Ordinariate na bumubuo ng Ecclesiastical Province of Manila, ipinapaabot namin ang aming pagbati sa Diocese of Antipolo at kami ay kasama ninyo sa paghahanap lagi papano ba tayo tutugon sa tinig ng ating pastol na si Hesus sa mga pangyayari dito sa ating Ecclesiastical Province, igalang nyo po ang pagkakaiba, wag nyong hanapin kay Bishop Francis si Bishop Gabby, magkaiba sila e, magkaiba, sa buhok na lang magkaiba at sa katawan. At salamat sa Diyos magkaiba sila. kahindik hindik kung sila ay magkamukha, iisa ang isip.

The church will not survive that way, there is a certain diversity that leads to division, but there is diversity that is a gift of the spirit, to strengthen the Church and through the diversity the many gifts of the church are used to respond to the many needs of the church. Alam po ninyo si Bishop Gabby, soft spoken, nagbibiro pero pati ang biro nya serious. Ito si Bishop Francis, isa na po ito sa pinacorny na tao na nalikha ng Panginoon sa kasaysayan ng sanlibutan. Pero salamat na lang na may Obispo na corny biruin nyo kung walang corny na obispo pare-pareho kami ng tinig, pare-pareho ng ayos, how boring .

So nagpapasalamat ang Ecclesiastical province of Manila na may Antipolo na may sariling yaman, sariling esperitwalidad na hindi mahahanap sa ibang dioceses at yumayaman ng pananampalataya sa Ecclesiastical Province of Manila, salamat sa natatanging ambag ng Antipolo, ng Pasig, ng Caloocan, ng Novaliches, ng Imus, ng San Pablo, ng Cubao, ng Malolos, ng PAranaque, ng Military Ordinariate…12 po. How rich is the church would be because of the communion because of the diversed gifts that everyone contributed. at sana naman mapagyaman din ang Diocese of Antipolo ng maiaambag ng iba pang mga Diocese dito sa ating communion.

At pagwawakas po ang Diocese of Antipolo ay nagtatransition. Bawat transition ay mapanganib. It is a crisis moment, graduation, pagraduate sa elementary papuntang highschool delikado yan, pagraduate mo ng highschool papuntang college delikado yan, yung pagraduate mo ng college delikado yan, di mo alam kung may trabaho ka o wala. Ang pag-aasawa transition delikado yan, ang ordinasyon vows transition delikado yan. pagpapalit ng obispo transition medyo crisis yan.

Kaya pinagaganda natin ee, ang kasal wag nating harapin ang difficulty, magandang gown, magandang damit, magandang make up, magandang bulaklak para makalimutan sandali. this is a crisis moment, pero wag tayong mag alala ang salitang crisis ibig sabihin desisyon. It is not about problems, it is decision. Papano pangangalagaan ang buhay sa gitna ng pagbabago. Walang dapat ikatakot ang Diocese of Antipolo ang ating ina ang our Lady of Good Voyage, malubak mang ang daan, matataas man ang alon, mahangin man sa alipaap, ao mang transition mula sa isang lugar patungo sa kabila, nandyan siya, dala ang kanyang kapayapaan. Kaya Bishop Gabby salamat, Bishop Francis salamat, sa bumubuo ng Diocese of Antipolo salamat. Salamat lalo na sa ating ina ang nagbigay ng tunay na Obispo si Hesus, siya ang magpapayapa sa atin sa paglalakbay tuwi-tuwina.

Maraming Salamat po.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 55,768 total views

 55,768 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 66,843 total views

 66,843 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 73,176 total views

 73,176 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 77,790 total views

 77,790 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 79,351 total views

 79,351 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

The Smell of the Sheep: Knowing their pain and healing their wounds is at the core of the shepherd’s task Luis Antonio G. Cardinal Tagle

 5,771 total views

 5,771 total views The Smell of the Sheep: Knowing their pain and healing their wounds is at the core of the shepherd’s task. Luis Antonio G. Cardinal Tagle Meeting of the Presidents of the Bishops’ Conferences on Safeguarding of Minors February 21, 2019 The abuse of minors by ordained ministers has inflicted wounds not only on

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily of His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life

 5,756 total views

 5,756 total views H.E. Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life Homily Feb 16, 2019 We thank God for bringing us together on this beautiful day. Let us give the Lord praise and thanksgiving, for life-giving creation and we thank God for this opportunity again to be one community proclaiming to the world

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Palm Sunday Homily

 5,716 total views

 5,716 total views His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Manila Cathedral Basilica of the Immaculate Conception March 25, 2018 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya. Sinisimulan po natin ngayon ang mga mahal na Araw Holy Week at ang pasimula ay ang paggunita natin sa maringal at mabunyi na pagpasok ni Hesus sa banal

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life 2018

 5,769 total views

 5,769 total views February 24, 2018 “Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya magpasalamat po tayo sa Panginoon na siyang nagtipon sa atin po sa umagang ito. Siya rin po ang naglalakad, siya ang tunay na naglalakad sumasama lang po tayo, Siya ang unang naglakad at patuloy na naglalakad, at tayo po ay ang kanyang katuwang. Hindi

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Feast Day of Blessed Takayama Ukon

 5,771 total views

 5,771 total views Homily Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks and praise to God for this day. We thank God for giving us the opportunity to be one community so that we could be renewed by his word, by his presence, by his spirit and

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily – His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle, Archbishop of Manila – Street Mass Zone 7, St. John Bosco Parish, Makati – January 19, 2018

 5,716 total views

 5,716 total views Muli po magpasalamat tayo sa Panginoon na tayo ay binigyan ng lakas ng katawan, tamang pag-iisip. Maganda ang panahon at kakayanan na maglakad at ngayon sama-sama tayo para sa Eukaristiya. Nagpapasalamat po ako kay Fr. Degs at mga kasama sa parokya sa paanyaya na makapiling kayo sa misang ito. Kung bibigyan po ng

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

HIS EMMINENCE LUIS ANTONIO CARDINAL TAGLE TRASLACION – JANUARY 09,2018, QUIRINO GRANDSTAND

 5,816 total views

 5,816 total views Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo. Una po sa lahat, magpasalamat tayo sa Diyos, siya po ang nagtipon sa atin itong mga mga nakaraang araw pa, hanggang ngayon, hanggang mamaya. Upang bilang isang sambayanan, tayo ay kanyang mapanibago ng kanyang salita, nang kanyang espiritu ng kanyang presensiya. Nagpapasalamat po tayo sa Panginoon

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio, New Year’s Eve Mass @ Manila Cathedral, December 31, 2017

 5,726 total views

 5,726 total views His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio New Year’s Eve Mass @ Manila Cathedral December 31, 2017 Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo tayo po ay mapuno ng kagalakan at pasasalamat sa Diyos na siya pong nagdala sa atin sa gabing ito dito sa Manila Cathedral Basilica upang patuloy nating pagnilayan ang kahulugan

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Welcomes the Year of the Clergy and Consecrated Persons as it culminates Year of the Parish: Communion of Communities Homily

 5,768 total views

 5,768 total views Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Nov.30, 2017 – Thursday Minamahal na mga Kapatid sa Panginoong Hesukristo, una po sa lahat magpasalamat tayo sa Diyos sa Kaniyang kabutihan sa atin, sa ating mga parokya, sa ating mahal na Archdiocese of Manila. Lahat ng papuri ay sa Panginoon. Nagpapasalamat din po tayo dahil tinipon

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Love2Last event of CFC

 5,711 total views

 5,711 total views HOMILY SMX Pasay City October 29, 2017 My Dear Brothers and Sisters in Christ, We thank God for bringing us together; we are one big family this afternoon as we celebrate the Eucharist. Kahit saang parokya, kahit saang lugar kapag nagdiriwang ng Eukaristiya tayo ay isang malaking pamilya na tinitipon ni Hesus sa

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

1st Year Anniversary of Sanlakbay

 5,723 total views

 5,723 total views Homily His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Basilica de San Sebastian October 21, 2017 Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo, una po sa lahat magpasalamat tayo sa Diyos siya po ang nagtipon sa atin sa umagang ito upang sa pamamagitan ng kanyang salita, ng katawan at dugo ni Hesus at

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle
1st day of Novena Mass for the feast day of St. Rafael
San Rafael Parish, Balut Tondo Manila

 5,778 total views

 5,778 total views Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo, una sa lahat magpasalamat tayo sa pagtitipon na ginawa ng Diyos para sa atin, bilang isang sambayanan bilang isang pamilya. Lalu na po sa unang araw ng ating pagno-nobena, bilang paghahanda sa kapistahan ng ating patron si San Rafael. Ang novena ay paghahandang spiritual, naghahandang pangsambayanan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top