526 total views
Ang Mahal na Birheng Maria ang pinakanaaangkop na huwaran ng pagkakaroon ng matatag na pananampalataya sa Panginoon ngayong panahon ng pandemya.
Ito ang bahagi ng pagninilay ni Archdiocese of Jaro Archbishop Jose Romeo Lazo sa Kapistahan ng Our Lady of Mount Carmel.
Ayon sa arsobispo na bagong halal na chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Clergy, ang pananampalataya ng bawat isa ang kadalasang nasusubok sa oras ng krisis kung saan sinusubok kung papaano haharapin ng bawat isa ang pagsubok at pagbabago.
Ipinaliwanag ni Archbishop Lazo na sa pamamagitan ng malalim at matatag na pananampalataya ay ganap na naipamalas ng Mahal na Birheng Maria sa kanyang buhay ang pagsunod sa kaloob at naisin ng Panginoon sa kabila ng anumang krisis na kanyang pinagdaanan.
“In this time of pandemic Mary is a good example of looking at our faith, how will be able to respond to this pandemic in faith, especially when our liturgical services for instance or celebrations have been affected by the pandemic. At time of crisis most often our faith is brought to the fore, our faith is being awaken so to say, especially in times of crisis to be able to respond to God’s will what God wants of us, Mary is a very good example of this because her own life was open to crisis, she was able to respond because of her deep faith.”pagninilay ni Archbishop Lazo.
Pagbabahagi ng arsobispo, makikita sa buhay ng Mahal na Birheng Maria ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malalim na pananampalataya sa Panginoon.
Kinikilala rin si Maria Bilang ‘Mother of All Missionaries’ na siyang unang nagbahagi ng Mabuting Balita ng Diyos, nagsilbing unang disipilo ng Panginoon at isang ganap na misyunero na sumunod sa plano ng Diyos para sa kanyang buhay.
Iginiit ni Archbishop Lazo na dapat gawing huwaran ng bawat isa ang Mahal na Birheng Maria sa pagkakaroon ng malalim na pananampalataya sa Panginoon na handang harapin at gampanan ang tungkulin na iniatang sa kanyang buhay.
“The events in Mary’s life shows her married mission dynamics, she is considered as Mother of All Missionaries, the first evangelized, the first evangelizer, a disciple, a missionary. If you look at annunciation for instance Mary’s yes was done in faith, Mary’s conception in her faith receives the conception in the flesh, she become more deeply aware of her role in God’s plan she was in mission, this will help us to recognize our own faith, will we be able to accept God’s will and mission in our life, is our faith deep enough to be able to respond like Mary freely to what God wants us as a mission in life.” Dagdag pa ni Archbishop Lazo.
Ang Mahal na Birheng Maria na may titulong Nuestra Señora Del Carmen o Mahal na Birhen ng Carmen ang opisyal na patrona ng mga relihiyoso sa orden ng mga Carmelita.