398 total views
Tiniyak ng Jesuit Music Ministry (JMM) ang patuloy na pakikiisa sa pagpapalaganap ng misyon ng Panginoon sa lipunan sa pamamagitan ng musika.
Ayon kay JMM Executive Director Lester Mendiola, nawa’y sa pamamagitan ng musika na ibinabahagi ng mga korong kasapi ng JMM ay mas higit na mapagyaman ng mananampalataya ang pakikibahagi sa misyon.
“We hope this album will make Filipinos all over the world aware that their giftedness, also comes with the responsibility and the desire to share this faith. It is centered on this theme of renewing and appreciating the gift of faith, and realizing the duty of the mission to share this faith to everyone,” bahagi ng pahayag ni Mendiola.
Kaugnay dito, isang music album na pinamagatang ‘Gifted to Give’ ang inilunsad ng JMM noong Hulyo 16, 2021 taglay ang mga awiting makatutulong mapalago ang pananampalataya ng mamamayan.
Kabilang na rito ang carrier single na ‘Gifted to Give’ na nilikha ni Lingayen Dagupan Archbihsop Socrates Villegas, National Artist Maestro Ryan Cayabyab with revisions from +Tim Ofrasio SJ, Dom Bulan SJ habang may musical arrangement naman ni Von de Guzman.
Kasama rin dito ang ‘Live Christ, Share Christ’, choral version ng 500 YOC official themesong at officila mission song na nilikha ni Fr. Carlo Magno na ‘We Give Our Yes’ na inawit ng multi-awarded choral group, Philippine Madrigal Singers.
Bukod sa mga JMM choir members tampok din sa 10-track compilation ang mga OPM stars na sina Angeline Quinto, Erik Santos, Jed Madela, Bituin Escalante at Jolina Magdangal.
Nakibahagi rin sa proyekto ang ilang koro sa bansa mula sa University of the Asia and the Pacific, at Mater Dei ng Pampanga.
Nagagalak ang JMM na maging bahagi sa makasaysayang pagdiriwang sa Ikalimang Sentenaryo ng Kristiyanismo ng bansa at mag-ambag sa misyon sa pamamagitan ng mga awitin.
“It is always an honor for JMM to serve the Church through music. It is a greater honor to have us work on the theme song for the 500 Years of Christianity- a once in a lifetime milestone in the Church in the Philippines,” ani Mendiola.
Ang JMM at JesCom Productions ang inatasan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Social Communications na maglunsad sa official themesong ng 500YOC lalo na sa digital platforms.
Para sa mga nais mapakinggan ang mga awitin i-click lamang ang https://bit.ly/3BjmClW o bisitahin ang official Facebook page ng Jesuit Music Ministry gayundin ang kanilang YouTube page.