369 total views
Mahalaga na magkaroon ng kaalaman ang bawat mamamayan sa ating karapatan sa lansagan at paggamit ng mga sasakyan.
Ito ang binigyang diin ni Atty. Deo Culla ng The Initiative for Dialogue and Empowerment through Alternative Legal Services o IDEALS Inc. kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng mga road and motor related accident sa bansa partikular na sa Metro Manila.
Ayon kay Atty. Culla, dahil sa patuloy na umiiral na pandemya at kakulangan ng mga pampublikong sasakyan ay marami sa ating mga kababayan ang gumagamit ngayon ng bisikleta dahilan kaya’t nagtalaga ang iba’t ibang mga Local Government Units o LGU’s ng mga designated bike lines.
Ipinaliwanag ni Atty. Culla na bagamat maganda ang hangarin ng mga bike lanes ay maari din itong maging dahilan ng mga aksidente lalo na sa mga pangunahing lansagan.
“Personal na tingin ko magandang development ang paglalaan bike lane ng mga LGU para sa mga kababayan natin na nabibisikleta . sa buong metro manila halos lahat ng lgu ay may mga ordinansa tungko lsa bike lane.” Pahayag ni Atty. Culla sa segment na All rights sa Caritas in Action sa Radyo Veritas.
Aminado si Atty. Culla na kailangan ang wastong kaalaman sa road safety ng mga gumagamit ng kalsada ano man ang sasakyan na gamit nito.
“Unang una po nakapahalaga nyan dahil ang isang gumagamit ng kalsada maging motorista man, pedestrian o karaniwang nag-bibisikleta ay alam ang batas trapiko na maituturing na ligtas na pagbabyahe sa kalsada yun kaalaman sa batas trapiko ay masisigurado na ikaw ay makakarating ng ligtas sas iyong patutunguhan.” Dagdag pa ng Abugado mula sa IDEALS Inc.
Batay sa datos ng Metropolitan Development Authority o MMDA lumabas na aabot sa 300 road related accident ang naitatala sa bansa kada araw.