160 total views
Hinimok ng National Union of People’s Lawyer ang Pangulong Rodrigo Duterte na ipahayag ang katotohanan sa pinag – usapan nila ni Indonesian President Jokowee Widodo lalo na sa kalagayan ng Filipina drug convict na si Mary Jane Veloso.
Ayon kay NUPL Assistant Sec. Atty. Josa Deinla na tumutulong kay Veloso, na mahalagang malaman nang taumbayan ang tunay na napag – usapan ng dalawang pangulo upang maiwasan ang pangambang naidudulot nito sa pamilyang Veloso maging sa taumbayan.
Umaasa naman si Atty. Deinla na naipahayag nawa ni Pangulong Duterte kay Widodo na makahingi pa ng panibaging apela para sa clemency o pardon kay Veloso upang makapag – pahayag ito ng testimonya laban sa mga ilegal recruiter nito na sina Julius Lacanilao at Ma. Cristina Sergio.
“Ang crucial ang piece of evidence na hinihintay talaga nating maihain ay ang testimonya ni Mary Jane. Inaasahan natin diyan kukunin natin yan by means of deposition. Kasi hindi siya pinapayagan ng Indonesian government na lumipad at palabasin ng kulungan, lumipad ng Pilipinas para mag – testify in open court. Kaya deposition lang ang nakikita nating paraan na possible. Hinihintay natin yung order ng court tungkol diyan ng grants dahil na approve na yan a few weeks ago. Kaya lang pending for motion pf reconsideration, kaya hinhintay pa natin yung pinal na desisyon ng korte,” bahagi ng pahayag ni Atty.
Sa tala ng Department of Foreign Affairs, may 80 bilang ng mga Filipino sa buong mundo ang nasa death row kabilang na si Veloso na kasalukuyang nakapiit sa Indonesia.
Nauna na ring nagpahayag ng pagkadismaya si CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People chairman at Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos sa mga gabinete ni Pangulong Duterte ukol sa posisyon ng pangulo kay Veloso.