Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kooperatiba, makakatulong sa pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 1,372 total views

Naniniwala ang Cooperative Development Authority na malaki ang maitutulong ng mga kooperatiba sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

Ayon kay CDA Chairman Usec. Joseph Encabo, higit na kinakailangan lamang ang wastong edukasyon at pagbahagi ng kaalaman hinggil sa kooperatiba upang mahimok ang mamamayan na magtatag ng kooperatiba sa kapakinabangan ng bawat kasapi.

“If every Filipino people would have this shared interest, the common interest to uplift and figth this particular extraordinary times, I believe the formation of cooperative could be one of the key answers in fighting this ordeals and trials in economic situation,” bahagi ng pahayag ni Encabo sa Radio Veritas.

Batid ng opisyal ang labis na kahirapang dulot ng COVID-19 pandemic na nagpahina sa pangkabuuang ekonomiya bunsod ng pagsasara ng ilang negosyo dahil sa pagkalugi.

Iginiit ni Encabo na ito ang wastong pagkakataon na magsama-sama ang mamamayan sa pagbuo ng kooperatiba upang magtulungang palaguin ang bawat kontribusyon sa pagpapatupad ng mga programa tungo sa maunlad na pamumuhay ng bawat indibidwal.

“This is an opportune time for every Filipino people to be in convergence and opportunity to form a cooperative and pull the resources together; to come up with a very sound livelihood program for them, because the essence of building a cooperative is to allow every individual to be a co-owner of the programs, plans and livelihood activities that they are engaging with,” saad pa ng opisyal.

Noong Hunyo 30, 2021 nagbigay ng pag-uulat si Encabo sa kanyang unang 100 araw na pamumuno sa CDA kung saan nakapaglunsad ito ng iba’t ibang programa sa ikauunlad ng mga kooperatiba.

Kabilang sa mga naisakatuparan sa loob ng 100 araw ang pagpapalawig sa bisa ng Certificates of Compliance, panuntunan sa paggamit ng mga kooperatiba sa Community Develoment Fund para sa social services, at pagpapabilis sa proseso ng pagpaparehistro ng mga kooperatiba.

Sinimulan din ni Encabo ang ‘Byaheng Koop Program’ kung saan umiikot ang opisyal sa ilang rehiyon sa bansa at bumisita sa iba’t ibang kooperatiba upang alamin ang kanilang kalagayan at sitwasyon sa gitna ng naranasang pandemya.

Tiniyak pinuno ng CDA ang pagpapatuloy sa mga gawaing pagpapaunlad sa sektor ng kooperatiba upang makatulong sa dagliang pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas.

Nakipagtulungan na rin ang CDA sa mga ahensya ng gobyerno sa pagpatupad ng mga programang tututok sa kabuhayan ng mamamayan lalo na sa sektor ng agrikultura.

Una nang pinuri ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mga kooperatiba sa isang pagpupulong sa Italya dahil sa malaking ambag nito sa paglago ng kabuhayan ng bawat miyembro nito.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 12,245 total views

 12,245 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 27,322 total views

 27,322 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 33,293 total views

 33,293 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 37,476 total views

 37,476 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 46,759 total views

 46,759 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Pinakamapinsalang lindol sa Bohol, inalala

 24 total views

 24 total views Isinagawa ng Diocese of Tagbilaran ang Day of Prayer para gunitain ang mga biktima ng magnitude 7.2 na lindol 11-taon ang nakalilipas. Ayon kay Bishop Alberto Uy, bagamat mahigit isang dekada na ang nakalipas sa mapaminsalang lindol ay patuloy pa rin ang pagbangon ng mga Boholano sa tulong at gabay ng Panginoon. “Let

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, pinaalalahanan ng Papal Nuncio sa dakilang habag at awa ng Panginoon

 85 total views

 85 total views Pinaalalahanan ng kinatawan ni Pope Francis sa Pilipinas ang mananampalataya sa dakilang habag at awa ng Panginoong ipinadama sa sangkatauhan. Sa pagbukas ng 5th Asian Apostolic Congress on Mercy sa Basilica Minore del Santo Niño de Cebu sinabi ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown na ang pag-alay ni Hesus ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Opisyal ng CBCP, dismayado sa kalagayan ng mga katutubo

 606 total views

 606 total views Dismayado si CBCP Office on Stewardship Chairperson, Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa kasalukuyang kalagayan ng mga katutubo sa bansa na patuloy nakararanas ng karahasan. Sa paggunita ng Indigenous Peoples’ Sunday nitong October 13 sinabi ng obispo na sa kabila ng kahirapang dinaranas ng mga katutubo sa bansa ay patuloy itong pinahihirapan ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Palalimin ang pang-unawa sa habag at awa ng Panginoon, hamon ng Obispo sa AACOM delegates

 645 total views

 645 total views Hinikayat ni World Apostolic Congress on Mercy (WACOM) Episcopal Coordinator for Asia, Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga delegado sa 5th Asian Apostolic Congress on Mercy na gamiting pagkakataon ang pagtitipon para mas mapalalim ang pang-unawa sa dakilang habag at awa ng Panginoon. Ito ang mensahe ng obispo sa pagsisimula ng AACOM na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Itinalaga ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang ilang mga pari ng arkidiyosesis sa panibagong tungkulin.

 655 total views

 655 total views Kabilang na rito si Barangay Simbayanan anchor priest Fr. Douglas Badong na itinalagang kura paroko ng St. Joseph Parish sa Gagalangin Tondo Manila. Bukod kay Fr. Badong itinalaga rin si Fr. Edrick Bedural bilang Assistant Minister ng Catechetical Foundation ng arkidiyosesis at Vice Rector ng Archdiocesan Shrine of Mary, Queen of Peace o

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Ordination ng Bishop-elect ng Diocese of Gumaca, itinakda sa December 28, 2024

 2,950 total views

 2,950 total views Itinakda ng Diocese of Gumaca ang episcopal ordination ni Bishop-elect Euginius Canete, JR., M.J sa December 28, 2024. Ito ang inanunsyo ni Gumaca Diocesan Administrator Fr. Ramon Uriarte bilang paghahanda ng diyosesis sa pagdating ng bagong pastol. Gaganapin ang ordinasyon sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Vocation is a way of life, paalala ni Bishop Dael sa mga seminarista

 2,954 total views

 2,954 total views Pinaalalahanan ni Tandag Bishop Raul Dael ang mga seminarista na paigtingin ang pananalangin upang higit maramdaman ang kalinga ng Diyos. Inihalintulad ng obispo ang buhay ng mga banal na sa kabila ng mga kahinaan ay patuloy nagtitiwala sa kalinga ng Panginoong nakikilakbay sa bawat misyong kinakaharap. Binigyang diin ni Bishop Dael na ‘vocation

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mamamayan, binalaan ni Cardinal Tagle sa deepfake AI

 3,025 total views

 3,025 total views Muling nagbabala ang opisyal ng Vatican sa mananampalataya na maging maingat sa mga nababasa at napapanuod online. Ayon kay Dicastery for Evangelization Pro Prefect Cardinal Luis Antonio Tagle, laganap sa internet ang mga Artificial Intelligence (AI) generated content na kadalasang sanhi ng pagkalinlang ng maraming mamamayan. Tinuran ng cardinal ang kanyang mga AI

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Nuestra Senora del Pilar Shrine and Parish, humingi ng paumanhin sa kontrobersiyal na concert

 3,607 total views

 3,607 total views Humingi ng paumanhin ang Nuestra Senora del Pilar Shrine and Parish sa Mamburao Occicdental Mindoro sa mga nasaktan sa nangyaring pagtatanghal sa loob ng simbahan kamakailan. Aminado si Parish Priest Fr. Carlito Meim Dimaano sa mga pagkukulang hinggil sa secular concert sa loob ng simbahan na labis nakasasakit sa damdamin ng mananampalataya dahil

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Pahalagahan ang karapatang pumili ng mga lider, apela ng Obispo sa mamamayan

 4,958 total views

 4,958 total views Umaapela si Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa mamamayan lalo na sa mga botante na pahalagahan ang karapatang pumili ng mga lider ng bayan. Ito ang mensahe ng obispo sa pagsisimula ng election season kasunod ng filing of candidacy ng mga naghahangad kumandidato sa 2025 Midterm National and Local Elections. Ayon kay Bishop Uy

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Catholic schools at mga parokya, inatasang makiisa sa “1-million children praying the rosary”

 4,609 total views

 4,609 total views Inatasan ni Davao Archbishop Romulo Valles ang mga parokya at catholic schools’ ng arkidiyosesis na makiisa sa taunang One million children praying the Rosary campaign na inisyatibo ng Aid to the Church in Need (ACN). Ayon sa arosbispo magandang pagkakataon lalo na sa mga kabataan ang nasabing gawain bilang pakikiisa sa pananalangin para

Read More »
Cultural
Norman Dequia

13th gathering of theology seminarians, opisyal na binuksan sa Cebu

 5,381 total views

 5,381 total views Hinikayat ni Cebu Auxiliary Bishop Ruben Labajo ang mga theology seminarian ng Visayas na paigtingin ang buhay pananalangin para sa tinatahak na bokasyong maglingkod sa Diyos at sa kapwa. Ito ang pagninilay ng obispo sa pagbukas ng 13th Gathering of Theology Seminarians in the Visayas (GTSV) na ginanap sa Seminario Mayor de San

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Diocese of Kalookan, humiling ng panalangin para kay Cardinal elect Ambo David

 5,475 total views

 5,475 total views Humiling ng panalangin ang Diocese of Kalookan para sa patuloy na misyong gagampanan ni Bishop Pablo Virgilio David na kamakailan ay hinirang bilang cardinal. Sa pahayag ng diyosesis na sa pagkahirang bilang cardinal ay mas mapapalawig ni Cardinal-designate David ang tungkuling pangalagaan at lingapin ang kawang nasasakupan lalo’t higit ang nangangailangan. “We believe

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Palawakin ang pagmimissyon, hamon sa charismatic group sa Pilipinas

 5,977 total views

 5,977 total views Hinakayat ni Motivational Speaker at Light of Jesus Family Preacher Bro. Arun Gogna ang mga charismatic communities ng Pilipinas na mas palawakin ang pagmimisyon sa buong pamayanan. Ayon kay Gogna dapat pangunahing gawain ng mga charismatic groups ang paglingap sa mga nalalayo at nananamlay ang pananampalataya upang sa tulong ng Espiritu Santo ay

Read More »
Cultural
Norman Dequia

CBCP President, itinalagang Cardinal ni Pope Francis

 6,858 total views

 6,858 total views Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang cardinal ng simbahan. Inanunsyo ng santo papa ang paglikha ng 21 bagong cardinal ngayong araw na ito October 6 sa pinangunahang Angelus sa Vatican. Si cardinal-designate David na kasalukuyang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang ikasampung Pilipinong cardinal

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top