Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mundong hiram lamang natin

SHARE THE TRUTH

 211 total views

Mga Kapanalig, nitong mga nakalipas na linggo, halos araw-araw ang pag-ulang dala ng hanging habagat dito sa Luzon. Una na itong pinalakas ng Bagyong Fabian na bagamat hindi tumama sa lupa ay hinigop naman ang hanging nagdala ng malalakas na pag-ulan.

Sa tindi ng pagbaha sa bayan ng Macabebe sa Pampanga, nagdeklara ang kanilang lokal na pamahalaan ng state of calamity. Ganito rin ang nangyayari sa Sablayan, Occidental Mindoro kung saan halos 4,000 pamilya ang naapektuhan ng pagbahang dala ng malakas at tuluy-tuloy na pag-ulan. Maraming pananim, tirahan, at imprastraktura ang napinsala.

Ngunit hindi lamang tayo sa Pilipinas ang nakararanas ng matinding pagbaha. Maging sa ibang bahagi ng mundo na dati ay hindi natin nababalitaang lumulubog sa baha ay sinasalanta na rin nito ngayon. Sa Belgium sa Europa, matinding pagbaha ang naranasan sa timog na bahagi ng bansa at kumitil sa buhay ng 36 na tao. Ayon sa mga Belgians, noon lamang sila nakaranas ng ganoong pagbaha. Maging ang Germany at Netherlands ay nakaranas ng malalang pagbaha. Umabot sa mahigit 200 katao ang naitalang namatay at mahigit 170 naman ang nawawala sa mga bansang sinalanta ng pagbaha.

Nakakapangamba rin ang naranasang pagbaha sa China. Nariyang pumasok pa sa loob ng isang subway ang rumaragasang tubig, at umabot sa 500 katao ang na-trap. Matapos ang insidenteng kumitil sa buhay ng 14 na tao sa probinsya ng Henan, dinumog ng mga tao ang subway na nagsilbing lugar ng kanilang pagluluksa.

Pagkatapos ng ganitong mga kalamidad, bukambibig ang mga katagang “building back better” o ang pagtatayong muli ng mga nasirang ari-arian at mga imprastraktura. Ngunit mas kailangan nating umaksyon na upang pabagalin ang global warming na sanhi ng climate change na nagdadala naman ng matitinding pag-ulan at bagyo. Sabi nga ng Swedish climate activist na si Greta Thunberg, hindi na pwedeng mag-role play ang ating mga liders. Hindi na sila dapat magkunwaring mayroon silang ginagawa habang ang totoo ay nanatiling business as usual ang mga malalaking industriya at mga mayayamang bansang nagbubuga ng greenhouse gases na nagpapainit sa ating planeta. Aniya, hindi nila dapat pinaglalaruan ang kanilang kapangyarihan at magbitiw lamang ng mga panagko. Higit sa lahat, hindi nila dapat pinaglalaruan ang kinabukasan ng mga bata at susunod na henerasyon.

Ganito rin ang mensahe ni Pope Francis sa kanyang encyclical na Laudato Si’. Hinihimok niya tayong mga Katolikong iwanan ang business as usual na pagtugon sa mga problema sa ating kapaligiran. Dapat nating kilalanin ang ating responsibilidad na pangalagaan ang kalikasan bilang bahagi ng ating pagiging Kristiyano. Aniya, “it is good for humanity and the world at large when we believers better recognize the ecological commitments which stem from our convictions and faith.[7] Ang mundo ay ipinahiram lamang sa atin, gaya nga ng sinabi sa atin ng Diyos sa Levitico 25:23 na “pinatitirhan ko lamang sa inyo [ito].” Ito ang pangunahing dahilan upang pagsumikapan nating alagaan ang ating kapaligiran, at isang konkretong hakbang dito, gaya ng sabi ni Greta Thunberg, ay ang pakalampag sa mga nasa kapangyarihan upang hindi nila isakripisyo ang kinabukasan ng mga bata sa ngalan ng kaunlaran.

Mga Kapanalig, maaaring sa gitna ng pandemya ay hindi na natin nagiging alalahanin ang pangangalaga sa kalikasan. Pakatandaan nating kung mas naaalagaan natin ang ating paligid, mas masusugpo natin ang pandemya at maaaring hindi na ito mauulit. Iwan natin sa mga kabataan ang isang mundong ligtas mula sa banta ng mga bagyo at sakunang bunga ng hindi natin pakikinig sa daing ng Inang Kalikasan. Ito ay isang tungkuling nakaugat sa ating pananampalatayang Kristiyano. Biyaya sa atin ng Panginoon ang ating daigdig ngunit sa huli, ito ay hiram lamang natin.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 12,227 total views

 12,227 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 27,304 total views

 27,304 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 33,275 total views

 33,275 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 37,458 total views

 37,458 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 46,741 total views

 46,741 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 12,228 total views

 12,228 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

KOOPERATIBA

 27,305 total views

 27,305 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NCIP

 33,276 total views

 33,276 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

FAMILY BUSINESS

 37,459 total views

 37,459 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 46,742 total views

 46,742 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang kasikatan

 48,923 total views

 48,923 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Deserve ng ating mga teachers

 47,168 total views

 47,168 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makinig bago mag-react

 97,476 total views

 97,476 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga mandaragat

 106,944 total views

 106,944 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 78,364 total views

 78,364 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

18,271 positions

 84,623 total views

 84,623 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iligtas ang mga bata

 98,940 total views

 98,940 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online.  Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaya ng mga pinatay na magulang at kanilang naulila

 84,307 total views

 84,307 total views Mga Kapanalig, sa Mga Kawikaan 26:27, mababasa natin ito: “Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.” Hindi bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang tinatawag sa ibang paniniwala na karma. Ang alam natin, gaya ng ipinahihiwatig ng binasa nating teksto mula sa Mga Kawikaan, ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Serbisyo, hindi utang na loob

 71,898 total views

 71,898 total views Mga Kapanalig, sa kanyang birthday noong ika-13 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na naglaan ang kanyang opisina ng mahigit 300 milyong pisong pondo para gawing libre ang mga serbisyo sa mga pampublikong tertiary hospitals. Dito sa Metro Manila, isa sa mga ospital na ito ang Philippine General Hospital o PGH,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tao ang sentro ng trabaho

 84,500 total views

 84,500 total views Mga Kapanalig, kayo ba ay manggagawa o empleyado? Tuwing malakas ang ulan, bumabagyo, o bumabaha sa mga daanan, naiisip rin ba ninyong sana, katulad ng mga estudyante, wala rin kayong pasok sa inyong pinagtatrabahuhan? Noong kasagsagan ng uláng dala ng Bagyong Enteng at ng hinila nitong habagat, may isang netizen na nagsabing “’pag

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top