Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 171 total views

Mga Kapanalig, ilang beses nang sinabi ni Pangulong Duterte na wala na tayong pera. Sa pagpapatuloy ng pandemya at lockdown na nagdulot ng kawalan ng trabaho, kahirapan, at gutom sa marami, paano lalakas ang ating loob kung ang itinuturing nating ama ng bayan ay para bang wala nang maipantustos sa ating pangangailangan?

Noong nakaraang buwan, inamin ng pangulong pinayagan niyang magbukás muli ang mga pasugalan upang may pumasok daw na pera sa ating kaban. Galit daw siya sa pagsusugal ngunit napilitan daw siyang pumayag na magbalik ang gambling operations sa bansa dahil kailangan natin ng pera. Sabi ng pangulong nagpapasok sa mga online gambling hubs (gaya ng mga POGO) bago pa man dumating ang COVID-19, hindi raw ngayon panahon upang maging moralista. Magandang malaman kung gaano nga kaya kalaki ang perang ipinapasok ng pagsusugal sa ating ekonomiya at ang buwis na binabayaran ng mga nagpapatakbo ng casino at iba pang pasugalan.

O baka naman mayroon tayong pera pero hindi lang natin nalalaman kung nasaan ito?

Nitong nakaraang linggo, tinawag ng Commission on Audit (o COA) ang atensyon ng Department of the Interior and Local Government (o DILG) dahil hindi pa nito naili-liquidate ang 3.6 bilyong pisong inilagak nito sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, mga lokal na pamahalaan, at NGOs. Ayon sa COA, bigo ang DILG na magsumite ng mga dokumentong magpapakita kung sinu-sino ang tumanggap ng pondo ng kagawaran at magpapatunay na nagamit nga talaga ang pera sa dapat paglaanan nito.

Kung wala tayong pera, bakit din nagmumungkahi ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (o NTF-ELCAC) ng 40 bilyong pisong budget para sa susunod na taon? Paliwanag ng nasabing task force, ilalaan ang pondong ito sa halos 2,000 barangay na pinamumugaran noon ng mga rebeldeng grupo. Gagamitin ang pondong ito para sa pagpapatayo ng mga farm-to-market roads, paaralan, pabahay, at health centers—mga imprastraktura at programang hindi na bago at ibinibigay na ng ibang ahensya. Mabilis ding nailabas ang mahigit 16 bilyong piso para sa barangay development program ng NTF-ELCAC sa kasagsagan ng pandemya at gayong marami ang nangangailangan ng ayuda.

Mukhang hindi naman talaga nauubos ang pondo ng bayan. Kailangan lang tiyaking napupunta ito sa mga tamang programa. Kailangan lang ayusin ng pamahalaan ang prayoridad nito lalo na ngayong may pangkalusugang krisis tayong kinakaharap.

Kinikilala sa mga panlipunang turo ng ating Simbahan ang tungkulin ng pamahalaan sa pagtataguyod ng kaunlaran ng lahat. Kaakibat ng tungkuling ito ang pagtulong sa mahihirap at magagawa ito ng pamahalaan sa pamamagitan ng paglikom ng buwis at paggugol nito sa mga programang tunay na pakikinabangan ng mamamayan. Sabi nga sa Catholic social teaching na Pacem in Terris, ang pagtatanggol sa karapatan ng bawat tao at pagtulong sa kanilang magampanan din ang kanilang mga tungkulin ay pangunahing obligasyon ng mga namumuno sa pamahalaan. Samakatuwid, mahalagang mahusay ang ating mga namumuno sa paggamit ng buwis na iniaambag ng lahat dahil ito ay para sa kapakinabangan ng mga tao.

Mga Kapanalig, paalala nga sa Mga Kawikaan 21:5, “Ang mabuting pagbabalak ay pinapakinabangan, ngunit ang dalus-dalos na paggawa’y walang kahihinatnan.” Ang ating mga lider ay hindi nakaluklok sa kapangyarihan upang mag-utos lamang at masunod ang kanilang kagustuhan kung paano gagamitin ang iniaambag nating buwis. Dapat natin asahan sa kanilang maging matuwid at masinop lalo na sa pamamahala ng pondo ng bayang ipinagkakatiwala natin sa kanila. Sa krisis na dinaranas natin ngayon, napakasakit marinig sa ating mga lider na wala na tayong pera gayong nariyan ang bilyun-bilyong pondong hindi natin nalalaman kung saan nagagamit o hindi nailalaan sa pagtugon sa mga mas kagyat nating pangangailangan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 48,547 total views

 48,547 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 59,622 total views

 59,622 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 65,955 total views

 65,955 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 70,569 total views

 70,569 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 72,130 total views

 72,130 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 48,548 total views

 48,548 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 59,623 total views

 59,623 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 65,956 total views

 65,956 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 70,570 total views

 70,570 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 72,131 total views

 72,131 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 44,384 total views

 44,384 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 67,045 total views

 67,045 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 72,621 total views

 72,621 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 78,102 total views

 78,102 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 89,215 total views

 89,215 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 85,214 total views

 85,214 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 72,916 total views

 72,916 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 81,398 total views

 81,398 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 74,457 total views

 74,457 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 81,381 total views

 81,381 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top