5,139 total views
Ang Diyos ay bahagi ng ating buhay.
Marapat lamang na dalhin ang Diyos sa lahat ng larangan at bawat gawain ng tao.
Ito ang misyon ng itinatag na programa ng Archdiocese of Manila Commission on Social Communication na binubuo ng Radyo Veritas846, TV Maria at Archdiocesan Office of Communications na “1GODLY VOTE” na nakatakdang ilunsad sa ika-31 ng Agosto 2021.
Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Permanent Committee on Public Affairs, parish Priest ng Nuestra Senora del Perpetuo, Radio Veritas Priest anchor at Radio Veritas News consultant ang “1GODLY VOTE” “is an election campaign that centers on God as the ultimate standard for choosing our next leaders.”
Iginiit ni Fr. Secillano na ngayon na ang tamang panahon na muli nating gawing batayan ang Diyos sa ating mga pagpapasya kasama na ang pagluluklok natin sa mga politikong nagnanais kumandidato sa nalalapit na 2022 National Elections.
Sinabi ng pari na nararapat na maging ‘conscious’ ang taumbayan sa kanilang mga ginagawa kung saan hindi dapat i-disassociate ang Panginoon sa ibat-ibang usapin lalut ginugunita ng Pilipinas ang 500 Years of Christianity.
Inihayag ni Fr. Secillano na layunin ng “1GODLY VOTE” ang paghalal ng mga kandidatong maka-Diyos at may hangaring solusyonan ang mga suliranin ng bansa sa maka-Diyos at makataong pamamaraan batay sa Social Doctrines ng Simbahan.
Ipinaliwanag ng opisyal ng CBCP na ang pagkilatis at pagpili sa mga kandidato gamit ang turo ng Diyos at ng simbahan ay nangangaluhugan ding hindi kailanman ipagpapalit ng isang botante ang kanyang sagradong boto sa pera, pakikisama, at maling plataporma.
Lahad pa ng pari, hindi ito pakiki-alam ng Simbahan sa politika.
“1 Godly Vote” is evangelization of politics. Even the Pope recognizes the good that politics brings to the service of humanity. But if politics becomes merely a promotion of personal and family interests, then we need to re-direct it to its original mission, that of serving the needs of the people.” paglilinaw ng opisyal ng CBCP
Umaasa ang pari na sa pamamagitan ng ilulunsad na “1GODLY VOTE” ay seryosong tatanggapin ng taumbayan ang mga panuntunang subok na pumapanig sa karapatan ng bawat isa at nagsusulong sa kahalagahan ng lahat lalung-lalo na ng mga dukha at malliit sa ating lipunan.
“The Catholic Social Teachings that serve as the pillar of this program guarrantee that the church is really about people and the good that they deserve to receive.Hihimay-himayin ng 1Godly Vote ang mga isyu at polisiya sa ibat-ibang larangan ng ating buhay. Halimbawa na lamang ang polisiya sa edukasyon, unemployment at OFWs, human rights, poverty alleviation program, at iba pa. Mahalagang malaman ang paninindigan ng mga kandidato ukol sa mga nabanggit na isyu at siguraduhin natin na ang kanilang paninindigan ay para nga sa ikabubuti ng mamamayan at bayan” giit pa ni Fr. Secillano.
Nilinaw ng pari na hindi sinasabi ng Simbahan na mayroon itong monopoly of good ideas at best practices.
“Hindi namin sinasabi bilang simbahan that we have the monopoly of good ideas, best practices, ultimate solutions to everything that ills our country. Ang nais lang sana namin ay mapakinggan din ang mga turo ng simbahan na hitik sa mga prinsipyo at pamamaraan upang mapa-unlad din ang ating bayan. Ika nga ni Jurge Habermas, isang atheist at tinaguriang isa sa pinaka-maimpluwensang Pilosopo sa buong mundo, “The Chuch has a lot to contribute in the public sphere.” Ibig sabihin, hindi lang politiko ang maaaring makapagbigay lunas o solusyon sa mga suliranin natin. Meron ding puwedeng ibigay ang simbahan” paglalahad pa ng pari.
Ang “1GODLY VOTE” ay ilulunsad ng Radyo Veritas sa pamamagitan ng live online press conference sa ika-31 ng Agosto, 2021.