361 total views
Ito ang binigyan diin ng Kaniyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle-Prefect of the Congregation for Evangelization of Peoples sa misang ginanap sa Radio Veritas Chapel.
Sa homiliya ni Cardinal Tagle, sinabi niyang hindi magiging mabuti ang pangangasiwa kung tanging katarungan ang paiiralin.
“Generosity and justice-laging magkasama hindi pupuwedeng isa lang at wala yun isa,” bahagi ng homiliya ni Cardinal Tagle,
Iginiit ng Cardinal na ang pangagasiwa ng walang kabutihang loob ay walang kahulugang pagkilos.
“Kapag puro justice at walang nag-uumapaw na kagandahang loob puro tayo tuusan, hanggang diyan lang kasi yan naman ang justice wala nang overflow.”paliwanag ni Cardinal Tagle
Sa paraan ng Diyos, sinabi ni Cardinal Tagle na ang dalawang mahalagang sangkap- ang katarungan at kabutihang loob sa paglilingkod at bilang tagapangasiwa ay hindi dapat na magkasalungat kundi ay magkasama.
“Pero sa Diyos ang kanyang katarungan at kagandahang loob ay hindi naglalaban, magkasama. At walang balewalang tao ang gusto lang Niya ang bawat isa…mauna ka man o nahuli ka meron kang papel na gagampanan,” ayon kay Cardinal Tagle.
Dagdag pa ng opisyal ng Vatican, bawat isa na nilikha ng Panginoon ay may mahalagang gampanin kung saan dapat na mangibabaw ang pagiging patas at pagiging mapagbigay.
Si Cardinal Tagle ay kasalukuyang nasa bansa para sa isang maigsing bakasyon.