321 total views
Inaayahahan ng Radio Veritas846 ang mananampalataya at botanteng mamamayan na makiisa sa gaganaping online talakayan bilang paghahanda sa 2022 National and Local Elections.
Pangungunahan ni Taytay Bishop Broderick Pabillo ang ilulunsad na 1 Godly Vote – isang election campaign ng Archdiocese of Manila katuwang ang Radio Veritas at TV Maria.
Layunin ng ‘election campaign’ na mamulat at bigyang gabay ang sambayanang Filipino para sa tamang pagsusuri at pagpili ng mga karapat-dapat na pinuno ng bayan kaugnay sa nalalapit na halalan sa susunod na taon.
Bukod kay Bishop Pabillo, kabilang din sa mga panelist sina Rev. Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Permanent Committee on Public Affairs at Rev. Fr. Nolan Que ng Catholic Educational Association in the Philippines.
Ang talakayan ay itinakda sa September 2, ganap na ika-10 ng umaga via Zoom na mapapakinggan sa himpilan ng Radio Veritas at mapapanood sa official Facebook page ng TV Maria at Veritas846.ph.
Magsisilbi namang moderator sa pulong ang Vice President ng Radio Veritas at Commissioner ng Manila Archdiocesan Commission on Social Communications, Rev. Fr. Roy Bellen.