Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang pagtalikod ng mundo sa Afghanistan

SHARE THE TRUTH

 176 total views

Mga Kapanalig, nakapanlulumo ang mga video at larawang kuha noong isang linggo sa pangunahing airport ng Kabul, ang kapitolyo ng Afghanistan. Makikita sa mga iyon ang mga Afghan na desperadong makaalis ng kanilang bansa at pilit na sumabit sa gilid ng isang US military plane na papaalis noon. Dalawa ang nahulog at namatay. Dumagsa ang daan-daang mamamayan ng Afghanistan sa paliparan matapos sakupin ng Taliban ang lungsod.[1]

Sinasabing simbolo ang nangyayari ngayon sa Afghanistan ng kabiguan ng mga bansa sa Kanluran—sa pangunguna ng Estados Unidos—na itatag ang isang demokratikong pamamahala sa bayang pinasok ng mga ito dalawampung taon na ang nakalilipas. Nagsimula ito sa “war against terror” na inilunsad ng Amerika matapos ang September 11 terror attacks na ginawa ng grupong al Qaeda ni Osama Bin Laden. Si Bin Laden ay kinukupkop noon ng mga Taliban, isang kilusan ng mga nais magtatag ng isang bansang istriktong pinatatakbo sa ilalim ng Sharia o Islamic law.

Sumikat ang mga Taliban noong dekada ’90 dahil sa paglaban nila sa katiwalian at pagpapanatili ng kapayapaan sa mga lansangan. Ngunit kilala rin sila sa marahas na pagpaparusa alinsunod na rin sa kanilang istriktong interpretasyon ng Sharia. Pinapatay sa harap ng publiko ang mga mapatutunayang pumatay at nangangalunya. Pinuputulan ng mga kamay ang mga magnanakaw. Kailangan ding sumunod ang mga tao sa kung ano ang pinaniniwalaan ng mga Taliban na nararapat para sa mga lalaki at babae. Ang mga lalaki ay kailangang magpatubo ng balbas, habang ang mga babae ay dapat balót na balót sa burka. Bawal din sa mga Taliban ang mga libangang katulad ng TV at pelikula. Ang mga batang sampung taong gulang pataas ay hindi pinapayagang mag-aral, at ang mga babae ay hindi maaaring bumoto. Marami sa mga patakaran at paniniwala ng Taliban ay itunuturing na labag sa karapatan at dignidad ng tao.

Ang palayain ang mga Afghan sa ganitong di-makataong kalagayan ang ginamit ng Amerika at mga kaalyado nitong bansa upang mistulang sakupin ang Afghanistan, bagamat malinaw na ang pangunahing layunin nila ay ang maghiganti. Itinatag din ng mga bansang ito ang Afghan National Army sa layuning palakasin ang pamahalaan ng Afghanistan. Habang may naranasang positibong pagbabago ang mga Afghan, nanatiling banta sa kanila ang Taliban—hanggang sa maganap na nga ang unti-unting pagbabalik nila sa Afghanistan.

Hindi ito ang inaasahang mangyari ng Amerika sa pag-alis nito sa Afghanistan. Nabigla rin daw ito sa mabilis na pagbabalik ng Taliban. Bagamat ikinalulungkot ng administrasyong Biden ang nangyayari, ipinasa ng pangulo ng Amerika ang sisi sa mga lider ng Afghanistan na piniling tumakas at sa pagbabantulot ng Afghan National Army na labanan ang militanteng grupo.

Mukhang hindi matanggap ng Amerika at mga kaalyado nito na ang pagbabalik ng Taliban—at posibleng pag-usbong muli ng mga tinatawag na extremist groups—ay bunga rin ng kanilang kapabayaan at hindi pagtuon sa tunay na kaunlaran ng mga taga-Afghanistan. Nasa 47% ng populasyon ang nasa ilalim ng poverty line at marami ang walang trabaho. Nasa 10 milyon ang hindi marunong magbasa at magsulat. Maraming kabataang babae pa rin ang hindi nakakatungtong sa paaralan. Yumaman ang mayayaman, lalong naghirap ang mahihirap.

Mga Kapanalig, sabi nga ni Pope Paul VI, “If you want peace, work for justice.” Kahalintulad nito ang nasasaad sa Isaias 32:17: “ Ang bunga ng katuwiran ay kapayapaan; at ito’y magdudulot ng katahimikan at pagtitiwala magpakailanman.” Dekada ang bibilangin upang maitatag ang isang makatarungan at mapayapang Afghanistan, ngunit kahit gaano man ito katagal, kung ang atensyon lamang lagi ay ang pagpapalakas ng militar—na hindi rin naman nakamit sa Afghanistan—hindi na kataka-taka ang pagbabalik ng Taliban. Mistulang tinalikuran ng mundo ang Afghanistan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 34,882 total views

 34,882 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 49,538 total views

 49,538 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 59,653 total views

 59,653 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 69,230 total views

 69,230 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 89,219 total views

 89,219 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 34,883 total views

 34,883 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 3,275 total views

 3,275 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 49,539 total views

 49,539 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 59,654 total views

 59,654 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 69,231 total views

 69,231 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 89,220 total views

 89,220 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 49,035 total views

 49,035 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 44,060 total views

 44,060 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,629 total views

 47,629 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 60,084 total views

 60,084 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 71,151 total views

 71,151 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,470 total views

 77,470 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 82,080 total views

 82,080 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,640 total views

 83,640 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 49,201 total views

 49,201 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top