312 total views
Pinararangalan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga natatanging bayani ng bayan na patuloy nagsasakripisyo para sa kapakanan ng nakararami.
Sa pahayag ni CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles,binigyang diin nitong mahalagang ipagpasalamat sa Diyos ang biyaya ng paglilingkod ng mga indibidwal sa mapanganib na laban sa coronavirus.
“Today, we do not only look at and remember heroic lives of Filipinos in the past, but we can also look at heroic lives of Filipinos selflessly sacrificing their lives caring for our people during these extremely difficult times. To them, our deep appreciation and gratitude; and because of them we continue thanking our Lord,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Valles sa Radio Veritas.
Patuloy na ipinapanalangin ng simbahan ang mga medical at service frontliners na naglaan ng kanilang oras sa paglilingkod sa bayan.
Partikular ang mga naglingkod sa iba’t ibang pagamutan sa bansa na nanguna sa laban ng pandemya lalo sa kasalukuyang panahon na mas umigting ang pagtaas ng kaso ng mga nahawaan bunsod ng iba’t ibang variant tulad ng delta.
Giit pa ng arsobispo na maituturing ding bayani ang mga taong nagbibigay ng pag-asa sa kapwa sa gitna ng nagpapatuloy na banta ng pandemya na nagdudulot ng labis na kahirapan, pangamba, kagutuman at maging pagkasawi ng maraming mamamayan.
“In these most trying times, we are also seeing heroes in our midst! This gives us so much hope, comfort and encouragement,” ani ng arsobispo.
Kinilala rin ni Archbishop Valles ang mga bayani sa kasaysayan ng bansa na nag-alay ng kanilang buhay para sa mga Filipino.
Sinabi ng arsobispo na marapat ipagpasalamat sa Diyos ang kabayanihang ginawa para sa kapakanan ng nakararami.
“As our country celebrates National Heroes’ Day, we turn in sincere thanksgiving to the Lord, for giving us these men and women who offered their lives in most extraordinary ways for the Filipino nation in the many stages of our history. Their lives show that the Filipino heart is capable of truly heroic sacrifice.,” dagdag pa ni Archbishop Valles.
Patuloy na ipinanalangin ng simbahan ang mga bayaning namayapa, mga nagbuwis ng buhay para sa bansa at maging ang mga bayani ng simbahan o mga banal na naglaan ng kanilang buhay para sa pananampalataya.
Itinakda ng bansa ang pagdiriwang ng National Heroes Day tuwing huling Lunes ng Agosto bilang paggunita sa pagsimula ng rebolusyon noong 1896.