340 total views
Ikinalungkot ng Visayas Clergy Discernment Group (VCDG) ang pagpaslang kay human rights lawyer Rex Fernandez.
Sa pahayag ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza kinilala nito ang abogado bilang masigasig na naglilingkod sa kapwa sa pamamagitan ng pagtulong lalo na sa mga maliliit na sektor ng lipunan.
“I express our grief over the senseless murder of human rights lawyer Rex Fernandez, a former Redemptorist seminarian, had a heart for the people and had touched so many lives,” bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza.
Ibinahagi ng obispo na mula 2010 ay aktibo si Fernandez sa pagtulong sa mga adbokasiyang isinusulong ng simbahan partikular ng VCDG at Archdiocese of Cebu Discernment Group tulad ng pagtataguyod sa karapatan ng mga manggagawa, kapakanan ng mga maralita, pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng good governance.
Kilala rin si Fernandez na convenor ng Coalition Against the Pork Barrel System (2014) at National People’s Initiative to Abolish the Pork Barrel (2015) na kapwa inisyatibo ng Archdiocese ng Cebu.
Matatandaang Agosto 26, 2021 nang tambangan si Fernandez sa Cebu City ng mga hindi pa natukoy na suspek dahilan ng pagkamatay nito.
Nauna nang nagsagawa ng hunger strike ang abogado laban sa pamunuan ng isang condominium sa Cebu City dahil sa mga tiwaling pamamalakad ilang linggo bago mangyari ang insidente.
Nanawagan si Bishop Alminaza ng katarungan para sa pinaslang na abogado kasabay ng pagtiyak ng mga panalangin at pagpapatuloy sa mga adhikain nitong tugunan ang ugat suliraning panlipunan.
“We join the call for a speedy investigation of his murder. We pray that Atty. Rex did not die in vain. In fact, his sacrifice should lead us to a conversion of heart and mind to that of Jesus’. In effect, we can courageously and consistently pursue efforts to address the roots of sinful social structures and evil practices,” ani ng obispo.
Batay sa tala ng lawyers’ group si Fern.